»Rise of Heartiana«
"Whooooooooooaa.." bulong na sabi ko habang nakatunganga dun sa fairy.
"Huy! May maitutulong ba ako?" sabi ni Heartiana habang winiwave yung kamay nya sa mukha ko.
"Ow. Ahh, Uhmm.. Meron po kasing nanakit sa damdamin ko, yung lalaking pinakanamahal ko. Maaari mo ba akong tulungan?" sabi ko. Shete! Tuyo utak ko.
"Sure. Just tell me if what's the punishment." she smiled.
Aba! Marunong palang magtaglish ito. Pinahirapan pa akong magtagalog ng malalim. -.-
"Kasi meron akong boyfriend. Akala ko, sya na talaga pero nakita ko na meron syang iba at nalaman ko na isa lang pala ako sa babaeng niloko nya." naramdaman ko na may luhang tumulo sa pisngi ko. "Yun pala kasama ako sa mga babaeng sasaktan nya. Minahal ko sya pero ginago nya ako. Di ko matanggap kasi yung pagmamahal na ibinibigay ko sakanya, di nya pala kayang suklian." napayuko ako at humagulgol.
"Masakit eh. Sobrang sakit." kinabog kabog ko yung dibdib ko.
"Sabi ng Lola ko noong nabubuhay pa ako, 'Wag kang nagbibigay ng buo sa driver, kung wala syang ipansusukli sayo.' Matagal na panahon ring nagloading sa utak ko yan hanggang sa naloko ako ng taong mahal ko." sabi nya.
Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko sa sinabi nya. Tama nga naman sya diba? Nagbigay ako ng buo pero di na ako sinuklian ng hinayupak na manloloko na yun.
"Okay, ikaw ang umisip kung ano ang parusa ng mga nanloloko." she smiled at me.
Agad na pumasok sa isip ko yung magandang parusa.
"Sa lalaki basta manloko sila ng taong nagmamahal sakanila, dadanasin nila ang hirap ng babae. Magkakaroon sila ng organs ba kagaya sa mga babae. Basta lahat ng dinaranas ng mga babae. Menstruation, magkakaboobs lahat! Ganun din sa babae." I said.
"So what's the key to break the curse?"
Napaisip ako. Syempre nanloloko sila. Tinatakbuhan nila yung mga naloko nila. *TING!*
"Kailangan nilang mag apologize wholeheartedly sa mga taong niloko nila at syempre, kailangan nilang magmahal ng totoo." I said.
Sinu-swish nya yung wand nya at biglang nag-glow. Itinaas nya ito at nagsalita.
"The carma is now effective. Makikita na ang curse bukas." she smiled then, biglang nagburst yung wand ng sparkling things sa air and she disappeared.
I sighed.
"Sana wala nang manloloko sa mundo." then I went home.
Pagkauwi ko, di na ako nag attempt na igreet sila Mom at Dad at kumain kasi mugto ang mata ko. Baka mapatay lang nila si Rick kung nagkataon. Sayang din di ko makikita yung karma nya.
Umakyat na ako at kahit maaga pa eh natulog na ako. Sana bukas maramdaman ko na yung pagdurusa nya. I fell asleep na.
ZzzzzZzzzzzzzzZzzzzzzzzZzzzzzzzzzzzZzzzzzz
Nakita ko si Rick na nasa banyo. Hinawakan nya yung matipunong dibdib nya at biglang nanlaki ang mga mata nya.
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH!!"
Hinubad nya yung damit nya at yun nakita ko yung boobs nya. Ang laki ah.
HUWAAAAAAT?? BOOBS? SI RICK??
"WAAAAAAAH!" napatakip ako sa bibig ko.
"Panaginip lang pala." napabuntong hininga ako.
I looked at the clock, it's 3:43am.
BINABASA MO ANG
Ka-Sa-Va
FantasyNiloko ka ng taong mahal mo? Binigay mo na lahat pero binalewala ka lang nya? Pinalitan ka nya dahil sawa na sya sayo? Gusto mong maghiganti? Eh kung parusahan sila? Happy Reading! :)