Cursed or Cured?

36 1 0
                                    

»Cursed or Cured?«

It's been 3 months na magkasama kaming 3 nila Kaye at ni Rick ow I mean, Rica. Magkasama sa kulitan, shoppingan, kainan at kalokohan. Bakit? Babae naman si Rica ah? Bakit di namin pwedeng isali?

Oo sinaktan nya ako pero dati yun. Alam ko naman na nagsisisi na sya eh.

Tapos si Boy Menopause na si Rouwand? Ayun pinopormahan si Rica pero ayoko nga. Kahit babae yan, kahit sinaktan ako nyan, mahal ko pa rin yan.

Dumating na sa day na magsosorry na sya sa mga naloko nya. Karamihan eh tinanggap naman ang apology nya pero yung iba, hindi. Iniiyak nalang nya. Pero kahit papaano successful.

Pagkatapos nyang mag apologize sa mga naloko nya, dumiretso kaming 2 sa lawa. Manonood kami ng sunset.

"Uhm, Anicka? May sasabihin ako sayo." sabi ni Rica.

"Ano naman yun?" nagkatitigan kaming dalawa.

Biglang tumahimik. Hinawakan ni Rica ang pisngi ko at dahan dahan nyang nilapit ang kanyang mga labi. Wait, babae sa babae? Di rin. Kasi Lalaki naman to eh, sinumpa nga lang.

I can feel her/his breath until our lips totally met. Our kiss was very passionate. I can feel his love and sincerity through his kiss.

Di ko namamalayan, lumulutang na pala kami habang sya, nagi-sparkling yung buong katawan nya. Umikot ikot kami sa ere hanggang sa....

"Iskibiratsiboop! Blopikiribit kiribit! Ngayong inyong mga labi ay naglapit, ang sumpa sa iyo ay mawawala nang pilit!" Ching!

When I opened my eyes, I saw the person who stole my first love and my first kiss.

Rica is now Prince Rick again.

Bumaba na kami mula sa ere. Manghang mangha kaming dalawa sa nangyari.

"W-whoa! Look! I'm back!" he touched his face and his body.

"Wow! Ang galing! Welcome back again Prince Rick!" I said with tears falling down from my eyes. Tears of Joy to. :)

"I hope you know your lesson now?" biglang sumulpot si Heartiana.

"Who are you?" tanong ni Rick.

"Ako si Dyosa Heartiana. Ang Dyosa ng mga heartbroken. Ako at si Anicka ang may gawa kung bakit ikaw at ang mga manloloko sa mundo ay napaparusahan."

"So, wala na ang parusa?" tanong ulit ni Rick.

"Sabihin mo muna kay Anicka ang gusto mong sabihin bago ko sagutin yan" sabi nya.

"Ay Oo nga pala. Sorry. Uhm Anicka, alam ko nasaktan kita nung una. Pinaglaruan ko kayong mga babae. Pero sa una lang yun. Pasenya ka na ah? Di ko kasi inisip yung mararamdaman nyo at nagpakaselfish ako. Well, I just want you to know that I love you. I always do. Salamat sa tulong mo. Kahit ginago kita dati, di ka pa rin nagdalawang isip na tulungan ako. I love you so much." he kissed me again.

"I love you too, Rick. Sana wag mo na akong saktan ulit." sabi ko.

"Well, it's obvious. The Carma sa Casanova has been ended." sinwish and flick ni Heartiana ang kanyang magic wand at nagpaulan ng maraming sparkling things sa air habang kami?

Ito busy sa kissing scene. Wag kayong magulo! Part ko to!

[ 3 years later ]

"You may now kiss your bride" sabi ng pari.

Eh masunurin kami eh. Kaya ginawa namin.

We are now officially husband and wife. I love this feeling. Kinarga ako ni Rick papunta sa karwahe para mamasyal.

"WAHAHA! AKIN KA NA NGAYON!" sabi no Rick.

"Ano ba! Haha. Kinikilig ako!" sabi ko. Kalandi ko noh?

Hinampas nya ang mga kabayo at nagstart nang umandar yung karwahe.

"Saan tayo pupunta, TaKo?" tanong ko.

"Everywhere! Basta romantic!" sabi nya.

Pumunta kami sa lawa. Sunset na nun. Naaalala ko tuloy nung nabreak na yung curse.

Ngayong 3 taon na ang lumipas, kumonti ang mga taong nanloloko at naloloko dahil sa sumpang ginawa namin ni Heartiana. Dumami naman ang mga totoong nagmamahalan.

"Besshy! I'm so proud of you!" sabi ni Kaye na bigla nalang sumulpot.

I smiled.

Nang papalapit na ang sunset, iisang bagay ang di ko malilimutan.

Kasabay ng sunset,

"I love you, Anicka Sophia." he said in a very sweet voice. Kilig Much?

"I love you too, Prince Rick"

Kasabay ng paglubog ng araw, ang pagsikat ng kasiyahan sa buhay ko. Kasi pagmamay-ari ko na ngayon ang lalaking ginago ako, pero minahal ako.

[The End]

Ka-Sa-VaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon