~ CHAPTER 30 - Consequences ~
*Third Person’s POV *
Nasa mga sari-sarili bahay ang mag kakaibigan.
Si Dianne dahil mag isa lang siyang nakatira, pumunta doon si Ivan para samahan siya.
Si Claire kasama yung mommy Sally niya papunta na din si William sa bahay nila, close na close na nga yung mommy ni Claire at si William. Ang problema lang wala kasi sa Pilipinas yung pamilya ni William, nasa ibang bansa. Pero sabi ni William uuwi narin naman sila para mag bakasyon.
Si Honey kasama si Vic sa park nag hahanap ng maipapamili lalo na sa comeback ni Andrea.
Si Anne kasama padin si Chloe sa hospital at nandoon din ang mommy nila. Sabi ng doktor malapit ng magising si Chloe.
Si Abigail yung girlfriend ng kuya ni Andrea na si Kevin kasama ang pamilya nila Abigail at pamilya nila Andrea may inaayos para sa nararating kasal nila, panatag na ang loob ng pamilya ni Andrea dahil tinawagan na ito.
Yung dalawang kontrabidang sila Sophia at Madison patuloy parin ang pambubully sa school, mga reyna parin, kahit wala na si Abigail, DEMIYU parin ang pangalan nila, siguro kahit sagad sa buto ang kasamaan nila hinihintay parin nila yung pag babalik ng matalik nilang kaibigan na si Abigail.
Si Tyler nasa bahay din nag wawala at umiiyak dahil alam niyang hindi talaga para sakanya si Andrea.
“Mom.” Sabi ni Tyler sa cellphone habang umiiyak padin at nakaupo sa kama niya.
“It’s going to be fine, we’ll be home soon.” Sabi ng mom ni Tyler.
Si Jayden at Nicolas papunta sa bahay ni Tyler alam nilang kahit nawala sila saglit sa buhay ni Tyler kailangan parin sila nito, kahit nag focus si Tyler kay Andrea dadamayan parin nila ito.
Si Jack, yung kababata ni Andrea nasa trabaho pero ganon nalang ang pag aalala niya dito kaya uuwi din ito pag wala na masyadong ginagawa sa companya nila.
Si Ethan, kasama sa LIVE na si Louie, Ivan, Vic at siya pauwi na rin sa pilipinas nawala siya dahil kailangan niyang pumunta ng ibang bansa dahil sa lola niyang may sakit na cancer na magaling na ngayon.
Si Andrea at Louie mag kasama padin sa bahay ng dalawang matandang si lolo Jay at lola Linda.
Kumakain sila ng tanghalian.
“Ang sarap niyo po talagang mag luto lola Linda.” Sabi ni Andrea.
“Salamat apo, kung gusto mo tuturuan kita para pag mag papakasal na kayo ni Louie ikaw lagi ang mag aalaga sa kanya lalo’t na pag galing sa trabaho.” Sabi ni lola Linda.
“Ano ba yan Linda, mga bata pa iyan.” Sabi ni lolo Jay.
YOU ARE READING
She Will Be Loved
Teen FictionEveryone deserves to be love and to love in return but what will happen to Andrea if she discover the things she never experience before. Will Louie be the one that will make her feel love? Mrs_Amaro
