~ CHAPTER 23 - Deny it ~
* Andrea's POV *
"Uy, sis! Alam mo ba yung bagong chismis?" Hay, pagkapasok na pagkapasok ko palang sa umaga, chismisan na ng chismisan na sa hall way.
At ayon, isa pa to. Pag kapasok ko palang sa room.
"Andreaaaaaaa! Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko!" Sabi ni Claire na mababasag na ata eardrums ko.
"Edi wag mo ng sabihin, hindi naman pala ako maniniwala." Sabi ko habang ibinababa yung bag ko.
"Eto naman!" Sabi niya na nakapout.
"Oh, bakit ba?" Sabi ko at umupo na.
"Kasi ang daming nag chichismisan kanina. May nakakita daw kasi kay Chloe na may kasamang lalaki sa restaurant." Sabi ni Claire na pabulong.
"Binubulong mo pa naririnig ko naman." Sabi ni Anne.
"Ay! Sorry naman diba?" Sabi ni Claire kay Anne, si Anne naman nag roll lang ng eyes at balik sa pagbabasa niya.
"O? Ano na?" Sabi ko.
"Eto na nga, na kasama si Louie!" Sabi ni Claire habang winawasiwas pa yung kamay.
"Ano!?" Napatayo ako sa upuan ko. TAMA BA NARIRINIG KO?
"Ay! Bingi bingihan te?" Nagawa pang magloko ni Claire.
"Bakit sila magkasama?" Umupo na ulit ako para pakalmahin sarili ko.
"Ewan ko! At eto pa, ng magkayakap!" Napatayo ulit ako.
"Haaa? Totoo ba yan? Baka gawa gawa lang ha? Wala naman nasabi saakin si Louie." Sabi ko habang nanginginig.
"Hindi ko alam kung totoo to pero may picture kasi e." Lumapit sakin si Claire at pinakita na nakayakap si Louie kay Chloe habang umiiyak ito.
Anong meron? Hindi ko maintindihan, pero ang alam ko lang, nasasaktan ako at dapat kong malaman kung totoo ba 'to o hindi.
* @CANTEEN *
"Andrea, sinasabi ko sayo wag kang mag sisimula ng away dito. Nakakahiya." Paulit ulit na sinasabi ni Honey at Claire habang pinapaupo ako. Tinawag na ni Anne si Chloe para mapag usapan yung chismis na sana ay hindi totoo.
![](https://img.wattpad.com/cover/2431705-288-k434803.jpg)
YOU ARE READING
She Will Be Loved
Teen FictionEveryone deserves to be love and to love in return but what will happen to Andrea if she discover the things she never experience before. Will Louie be the one that will make her feel love? Mrs_Amaro