~ CHAPTER 21 - My Christmas Kisses ~
December 24 na! Uuwi na si papings at dahil diyan may banner kami ng 'Welcome Home!' and 'Merry Christmas!'
Driver nalang namin ang magsusundo kay papings kasi gusto namin siyang masupresa. Alam niyo na, yung nakapatay ilaw tapos bubuksan ni papings at BOOM! Napakageneral pero alam naming masaya na si papings sa ganon.
"Mamings, pupunta na po si Louie para matulungan tayo dito." Sabi ko kay mamings habang tinutulungan namin ang maids namin sa pag aayos ng mga gagamitin, dekorasyon, at pagkain para sa noche buena.
"Aba't napakaswerte mo talaga diyan kay Louie." Nakangiting iniabot ni mamings yung christmas balls.
"Baka siya ang swerte saakin ma." At nag tawanan kami.
Tumahimik ng sandali. Inilapag ni mamings yung mga pang dekorasyon sa christmas tree. Sumenyas siya na umupo ako katabi niya.
"Alam mo napakalaki mo na..." Sabi ni mamings habang niyayakap ako.
"Ma naman, kakasabi mo lang sakin niyan nung isang araw."
"Alam ko, at gusto ko din sabihin na mahal na mahal kita at hindi ako mag sasawang paulit-ulitin 'yan sayo."
"Mahal na mahal na mahal na mahal din po kita mamings."
At hinalikan ako ni mamings sa noo.
My 1st Christmas kiss is from my Mamings.
"Sir, pasok po." Sabi ng isa sa mga katulong namin.
Agad agad naman akong tumayo sa pagkakaupo ko sa computer. Tumitingin na kasi ako ng babati saakin at madami dami na.
"Louie!" Niyakap ko siya. "Namiss kita." Habang naka lagay padin yung mga kamay ko sa balikat niya.^3^
"Stop doing that." Tumingin siya sa ibang direksyon at pinagpapawisan.
"Ha, bakit?" Painosente kong tanong. Inilapit ko yung mukha ko sa mukha niya. Alam kong tinatablan na siya dahil nakatingin na siya sa labi ko. Palapit na din yung mukha niya ng ilagay ko yung hintuturo ko sa labi niya.
YOU ARE READING
She Will Be Loved
Genç KurguEveryone deserves to be love and to love in return but what will happen to Andrea if she discover the things she never experience before. Will Louie be the one that will make her feel love? Mrs_Amaro
