CHAPTER 24 - She's Falling

358 9 12
                                    

~ CHAPTER 24 - She's Falling ~

Sabi nila wag ka daw mag sasalita ng tapos kapag galit ka dahil sa bandang huli pag sisihan mo 'yon. At sabi din nila wag ka daw mangangako ng masaya ka dahil hindi mo 'yon mapanghahawakan.

Nakatulog na pala ako sa kotse. P-pero? Parang hindi ata samin ito ha? o_O

"Hi there angel, you're cute when you're sleeping." Sabi ni Tyler at nag wink.

o_O" Napaayos ako bigla sa pagkakasandal ko sakanya, nasa backseat kami.

"Sorry! Nakatulog pala ako. Sinong Angel? Nako, Andrea pangalan ko. Nakalimutan mo agad?"

Napatawa nalang siya at umiling iling.

"Bakit? Andrea naman talaga pangalan ko ha?"

"You look like an angel when you're sleeping, that's why." Sabi niya habang naka smirk at nag kibit balikat. "Here, I got something for you." Sabi niya at iniabot yung isang brown paper bag.

"Ano 'to? Ang bango ah. Parang..." Inamoy ko muna ulit, bago buksan.

"That's your cake and here's your coffee. It's kinda cold so I brought you this." Sabi niya ng nakangiti saakin, nakakasilaw yung ngiti niya, para bang pang commercial.

Umiling iling nalang ako, ano bang naiisip ko. "Thanks. Bayaran ko nalang."

"No need. That's my treat." Sabi niya habang may kinukuha pa. "I also brought my self a cake and coffee. Same as yours."

"Pasensya na kung umiyak ako sa harap mo at ginamit ko pa panyo mo at hinayaan pa kitang i-comfort ako at-" Napatigil ako ng biglang lumapit si Tyler. Sobrang lapit, isang usog niya lang pwede niya na akong mahalikan.

"There is a peice of cake beside your lips." Pinunasan niya yon gamit yung hinlalaki niya.

Sa sobrang lapit namin, napatingin ako sa mga labi niya, siguro malambot yon.

Napa-isod ako patalikod ng maisip ko yon.

"Is there something wrong?" Sabi ni Tyler ng nagtataka. Umiling na lang ako at nginitian siya. At inubos ang cake at coffee ko.

* Claire's POV *

She Will Be LovedWhere stories live. Discover now