CHAPTER 25 - Disaster

336 6 2
                                        

~ CHAPTER 25 - Disaster ~

Aray! Ang sakit ng ulo ko! TT_TT Napaupo ako pero ang sakit padin ng ulo ko, para bang may pumukpok dito. Naalala ko tuloy 'yong masama kong panaginip.

'Pauwi na ako kasama si Tyler. Kiniss ko pa nga daw siya sa right cheek. Papasok na ako ng bahay ng biglang may puting van na pumarada sa harap ko, out of curiosity hindi muna ako pumasok ng bahay at lumapit sa van. Biglang may lumabas sa van na dalawang taong naka itim. Nakabalot lahat except yung butas ng ilong at mata. Nag pipipiglas ako pero sobrang lakas nila, dahil sa pagpipiglas ko pinukpok ako ng isang lalaking nakaitim din ng bote. At nawalan na ako ng malay'

Wait! Bakit iba na kwarto ko? Hindi sa akin 'to! Nasaan ako?

Bakit kaya laging nangyayari saakin 'yong napupunta ako sa hindi ko kwarto o kotse? Tsk!

Biglang pumasok ang isang matandang babae na hindi ko kilala.

"Gising ka na pala." Sabi niya.

"Ano pong nangyari? Bakit po ako nandito? Sino ka po?"  Sunod sunod kong sabi.

"Ang daldal mo! Kaya ayoko sayo!" Suway niya sakin, napaatras naman ako.

"Ho? Pero hindi ko po kayo kilala." 

"Hindi mo na kailangan pang malaman kung sino ako, basta magkakaroon lang tayo ng isang kasunduan at makakaalis ka na dito." Umupo siya sa tabi ko at may ibinigay na brown envelope.

Binuksan ko iyon at binasa.

I Andrea Dela Cruz will be no longer with Louie Stewart. No talking with each other, will not see each other, and blah blah blah, unless needed! 

"P-pero.." Naluluha na ako, nabasa ko na yung papel.

 "Walang pero pero dito, hija." Sabi ng matandang babae.

"Sino ka po ba talaga?" Sabi ko sakanya ng nanginginig.

"Ako ang mamita ni Louie." Sabi niya at nag cross arm.

"Eh, bakit ayaw niyo po saakin?" Sabi ko sakanya.

"Gusto ko si Chloe para sakanya. Mas lamang naman siya sayo, pag dating palang sa pisikal na anyo." Sabi nito at pinagmasdan ako.

She Will Be LovedWhere stories live. Discover now