Chapter 10
*Demo day*
"Drakes POV"
"Apo, asan na ba yang pinsan mo?" tanong sa akin ni lola habang kumakain kami ng breakfast.
Andito ako ngayon sa bahay ng lola ko sa Marikina. Nandito ako para pagtakpan ang nangyari sa siraulo kong pinsan at syempre,,,para dalawin ang pinakamamahal kong lola. Dito na rin ako natulog kagabi dahil tinatamad akong bumalik pa sa condo ko.
"Ah e-- la, nasa bakasyon pa po." si JR yung tinatanong niya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nasa ospital pa si JR, dahil panigurado aatakihin na naman to sa puso.
"Pasaway talaga yang pinsan mo, ni hindi man lamang nagpaalam sa akin na magbabakasyon? Kukurutin ko yan sa singit pag-uwi niya."
"Hahahaha! sige nga la, kurutin niyo sa singit. Pasaway eh!"ako sabay tayo.
"Oh? tapos ka na?"
"Mauna po ako la at baka mahuli pa ho ako sa klase."ako na lumapit sa kanya at nagmano.
"O siya teka, ipaghahanda kita ng sandwhich!"
"Wag na po la, dun na lang ako kakain."
"Che! magtatampo! sige na intayin mo na saglit lang to."siya at nagmadaling pumunta sa kitchen.
After 5 minutes...
"Oh ito kunin mo." sabay abot sakin ng madaming balot ng sandwhich.
"Andami naman po nito."
"Sinabi ko bang sayo lang yan? Ibigay mo kay Junsu yung iba, pakisabi rin sa batang yun na dalawin kamo ako dito at namimiss ko na siya. Tapos kung gusto mo, bigyan na rin yung nililigawan mo."
"Sige po sasabihin ko sa tukmol na yun...pero la,, wala po akong nililigawan."
"Sus! problema ba yun? edi manligaw ka! wag magpakabitter apo, marami pang babae sa mundo." cool na sabi ng lola ko.
"Hahaha! la bang klase ka talaga. Sige po mauuna na ako"
"Pahatid ka na kay Edgar apo."
Si manong Edgar yun, driver ni Lola.
"Wag na la magcocommute na lang ako. Baka magulat pa sila pag nakita nila akong bumaba ng bsasakyan niyo."
"Ewan ko ba naman kasi sayong bata ka at sa dinami dami ng paaralan e diyan mo napiling mag-aral? Inaagawan mo pa ng tyansang makapasok diyan ang mga nangangailangan samantalang kayang kaya ka naming pag-aralin sa ibang bansa."
"Tanong niyo na lang kay JR kung Bakit la." bulong ko.
"Ano apo?"
"Wala la, sabi ko alis na po ako."
At inihatid na niya ako sa labas ng gate namin.
Nagmadali naman akong lumabas ng subdivision namin para pumara ng taxi.
Saklap lang,,,,,
lahat ng pinapara ko may sakay.
Fuck! malelate ako pag hindi pa ako sumakay.
Mayamaya lang din ay may biglang humintong sasakyan sa harap ko.
"Dalian mo sakay na! malelate na tayo!" sigaw niya sa ibibabang bintana ng sasakyan niya.
Nagulat ako sa ginawa niya, hindi ko akalain na ilalantad niya sa akin totoong estado ng buhay niya.
At dahil sa no choice na ako at ayoko namang ma late,,,edi sumakay na ako.