Written by: JulietKuno
Copyright © 2013
ALL RIGHTS RESERVED.
CHAPTER 1
*First Day sa College*
(Mollie's POV)
Sa jeep :
“Para”
sabay hila ko dun sa tali na nakakonekta dun sa parang maliit na bumbilya sa harap ng drayber, ito kasi yung parang cue ng drayber kung may bababa kapag umilaw na yun.
deadma lang yung drayber, tuloy pa rin sa pagmamaneho.
“Para po manong bababa po ako”
nakatingin na sakin yung ibang mga nakasakay.
“manong para daw po!” sigaw na rin ng katabi ko.
pero sige pa rin si manong sa pagpapatakbo.
“para daw” sigaw na rin nung malapit sa kanya.
ay WALANJO tong drayber na to ah!
last na.
“MANONG SINABI NG PARA PO EH!!”
deadma pa rin sya.
deadma ka ah!
sige nga.
sabay bato ng bote mineral water ko sa kanya sa may harapan.
Poook..!!
ayun bulls eye…
hahaha
sapul sa ulo.
masakit pa man din yun, kasi may laman pa yung bote
hahaha
“ARAAAAY!!!”
“Put*ng!na!! sinung bumato sa'kin”
sabay hinto ng jeep at lumingon sa amin.
hindi naman sumagot yung mga nakasakay, yung iba pasimpleng tumatawa.
Sinamantala ko naman yung pagkakahinto ng jeep at dali-daling bumaba
at tumawid sa kabilang kalsada sabay sigaw.
“MANONG AKO YUNG BUMATO SAYO!! ANG BINGE MO KASI E.!!!”
HAHAHAHA!!!
:PPP
“Takbo Miss”
sigaw nung katabi ko kanina nung akmang bababa yung driver,
sabay takbo ko ng mabilis, mahirap na baka habulin pa ako ng kalbong yun e.
(A/n: kalbo kasi yun drayber)
hahaha
hahaha
ang bad ko.
Pero buti nga sa kanya yon, ang layu-layo tuloy ng lalakarin ko este tatakbuhin ko papunta sa may gate ng school ko.
tiningnan ko yung relo ko.
“Geeezzz..malapit ng magtime.”
“18 minutes na lang”
lalo ko pang binilisan yung pagtakbo ko.
Nakarating na ako sa may gate ng university namin.
Ngayon ang poproblemahin ko na lang ay kung paano hahanapin yung assigned room ko sa napakalaking university na'to.