Chapter 9 * CRY...T___T part 2

28 0 0
                                    

CHAPTER 9

*Part 2*

“Huy, ikaw babae ka! Sino yung lalaking niyakap mo sa canteen ha?”Shane

Bungad agad nila sa akin pagkapasok na pagkapasok ko ng room.

Hindi ko naman sila pinansin at naglakad ako papunta sa aking upuan.

“Sino ba kasi yun ha!” Pangungulit ni Shane na kumuha pa talaga ng upuan at umupo sa harap ko.

“Diba yun yung captain ng volleyball tem natin?” Jessa na lumapit na rin.

“Aah! Oo nga natatandaan ko na yung sobrang magalit sa team mate niya na nakatama sayo.”Jasmine na nandito na rin sa tabi ko.

“Chismosa niyo! Dun na nga kayo, malapit ng dumating si Ma'am.” Pagtataboy ko sa kanila.

“Eeeeee… sabihin mo na!” Shane.

Hay ang KULEEEET!

“Boyfriend mo siguro yun no ?” Segunda pa ni Angelica.

Nakapalibot silang apat ngayon sa akin.

“Psh!” Drake na nasa gilid lang pala sabay labas ng room.

“Hoy, pare! Malapit ng magtime.” Sigaw ni Junsu kay Drake.

“Problema nun?” Jake

“Hahaha…ganyan lang talaga pag nagseselos.”

“Nagseselos? Kanino naman? Angelica.

“Wag niyo ng alamin.” Junsu

Arte talaga ng lalaking yun.

Kanino naman kaya yun nagseselos?

Bahala siya sa buhay niya.

“Uy ano Moleng, naghihintay kami no?”Jessa

Nabalik naman yung atensyon ko sa kanila.

Haaays! Naku naman talaga oh!

“Siguro boyfriend mo nga yun noh!? Ikaw Mollie ha! Naglilihim ka na samin.” Shane

“Hindi ko siya boyfriend noh!?” ako

“E ano mo siya?” Shane.

“E bakit ba gustong-gusto niyo malaman ha?” ako using my kunyaring naiirta voice.

Ako si Mollie! ang MOLENG magpapangiti sayo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon