Chapter 9. Reunion? Part 1

29 1 0
                                    

Ako si Mollie! ang MOLENG magpapangiti sayo J

Written by: JulietKuno

Copyright © 2013

ALL RIGHTS RESERVED.

CHAPTER  9

(Mollies POV)

“Huy Mollie! Ano bang nangyayari sayo? kanina ka pang hindi mapakali ah!?” Shane

“Ha? aaah.. wala naiinitan lang ako.”

“Oh ito pamaypay gamitin mo” sabay abot sakin.

Totoo naman na mainit e.

Kaya lang hindi yun ang dahilan kung bakit hindi ako mapakali.

Napatingin na naman ako sa kanya at..

WHaaaaaaaa!

Bakit ba lagi siyang nakatingin sakin ngayon?

Dahil ba dun sa KISS?

At isa pa yung tingin niya nakakaloko e.

Parang lagi siyang nakangise?

(>,<)

SHOCKS!

Ano bang problema mo Drake?

Gusto ko na ngang kalimutan pero bakit parang hindi mo ako tinutulungan?

Wala pa naman si Gelie ngayon na pwedeng magdivert ng atensyon ko. Sinundo niya kasi yung mom niya sa airport na kadadating lang galing Paris.

Buti na nga lang at ay iba pa akong friends kung hindi nako!...baka lalo akong hindi mapakali.

Bwiset naman kasi yong isang to eh!

Alam mo yung pang-asar?

Siya yon eh!

“Hoy!”

 Pang-gulat sa akin ni Dominic

“Baka gusto mong tumayo na diyan Moleng? Break time na oh!” Shane

“Break time na pala?” ako

“Ay hinde ate! uwian na po! kasasabi ko lang diba?” Shane

BASAG AKO DUN AH!

“Ano bang meron sa inyo ni Jasmine ngayon at para kayong mga ewan! Ganyang-ganan din si Jasmemeng kanina pa eh!” Dominic

“Napag-usapan niyo na naman ako.”

 Jasmine na nakatayo na rin sa harap ko.

Si  Jasmine ganun din?

Baka naman gawa pa rin nung kahapon?

Tsk! di ko pala nasasabi dito kela Dominic at Shane.

“O ano? Tatayo ka ba diyan o tatayo?” Shane

“Eto na nga eh!” ako sabay tayo.

Akala ko absent na si Gelie, nag-iwan pala ng mga kampon dito.

Bwiset!

(Drakes POV)

“Pare may problema ma ba? Kanina ka pa tahimik ah!? Nakakapanibago ka tol”

Ako sabay tapik ng braso ni Junsu habang palabas kami ng room dahil break time na.

“Masama bang maging sersoyo at tahimik kahit paminsan minsan?”Sagot niya sa akin.

“Sa iba hinde pero sayo? Men.. mukang tao pag nagseseryoso.” ako

“Gago! kesa naman sayo na kanina pa ngisi ng ngisi na parang may binabalak na kung ano.”Junsu

Ako si Mollie! ang MOLENG magpapangiti sayo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon