Ako si Mollie! ang MOLENG magpapangiti sayo J
Written by: JulietKuno
Copyright © 2013
ALL RIGHTS RESERVED.
CHAPTER 6
*Magnanakaw ka!!*
(Drakes POV)
Imbyernes!,
ang isa sa mga pinakatatamaran kong araw.
Hindi ko alam, pero pagtuwing sasapit ang araw na ito ay parang ayaw kong mag-isip at magpakapagod.
Nagsisisi tuloy ako kung bakit pa ako pumasok ngayon.
Tsk.
Kundi lang dahil sa ipinakausap ng pinsan ko sa akin at sa utos na rin ng lola namin hindi ako magtatyagang pumasok sa university na'to.
Ahhh….
Bwisit talaga!
Kalokohan naman kasi ng pinsan kong yun e!
Pumasok na ako sa loob ng klasroom namin at umupo.
Iniikot ko yung mata ko sa paligid.
Halos kumpleto na rin pala kami kahit maaga pa.
Iba-iba yung ginagawa nila…
may mga natutulog, may mga nagbabasa, may nagcecellphone, may nagkekwentuhan, may naghahapit ng assignment at yung iba tulala, karaniwang eksena na yan ng mga estudyanteng kolehiyong katulad namin.
Katulad ng mga nakagawian ko sa araw-araw, hinanap agad ng mata ko yung taong dahilan kung bakit ako nandito sa university na'to.
Nakita ko siyang nakaupo sa likuran at tulala.
Mukang may malalim na iniisip.
Hindi siya energetic katulad nung mga nakaraang araw, siguro namimiss na niya talaga yung isa.
Tsk.
isa pa yung isa na yun e hindi nag-iingat.
Habang tinititigan ko siya,
hindi pa rin ako makapaniwala na nagawang gaguhin to nung lalaking yun.
Maganda siya, matalino, kahit hindi ko gaano nakakausap alam ko naman na mabait siya kahit isa siya sa nangunguna sa kalokohan, at walang arte kahit na kabaligtaran ito ng mundong ginagalawan niya.
Kahanga hanga tong babaeng to, kasi kahit kalian hindi siya nagpakita ng kahinaan sa ibang tao.
Pero alam ko,
katulad ko din siya na pag mag-isa na lang ay saka iiyak at ilalabas ang nararamdaman.
Sa totoo lang sa lahat ng nandito, alam kong siya lang ang makakaintindi sa akin ngayon.
Halos parehas lang kami ng pinagdadaanan, niloko kami ng mga tong minahal namin.
Pero sabi ko nga nung una ayako ng malaman nila yung nangyari sa akin.
Gago talaga yung lalaking yun e, kung na realize niya ng mas maaga edi sana hindi ako naghihirap ngayon.
Matapos niyang gawan ng kagauguhan ngayon pababantayan niya sakin?
Tssss…
kundi lang malapit sakin yung isang yun,
nunca kong gawin tong mga bagay bagay na'to.
“Im back!!!”sigaw nung dumating.
Now she's here!
Tsssss…