Close your eyes and think about good things. Hold your heart and follow your dreams. -Jheslee
"Attention. To all players of Chrome Server that still alive, the third floor of this event will opened in 30 minutes, please standby. . . I repeat please standby."
Rinig sa buong paligid ang boses na yun. At tahimik parin si Jan mula kanina, nakatalikod siya sa akin habang naka upo at naka yuko ang ulo niya. Nakakapanibago parang hindi siya si Jan na kilala ko, hindi na nga ako halos nililingon eh! Pakiramdam ko yung utak niya nasa ibang mundo.
"Jan, narinig mo naman siguro yun hindi ba?"
Huh? Hindi ba niya ako narinig? Kinakalbit ko na siya pero wala parin.
"Jan."
"Jannnnn yuhooooo."
Iniisip niya pa kaya yung nangyari kanina?
"Jan, kung akala mong hindi ako nalungkot nang nawala si Alexa sa atin nagkakamali ka, hindi nga ako maka paniwala eh ang matapang na si Alexa ay mawawala nalang ng ganun. Huy Jan tama na yang emot mo. Sorry na oh."
"Zzzzzzzzz. . ." Wew. Wag mong sabihing tulog siya. Lumipat ako ng pwesto para tignan siya, sinubukan kong iangat yung ulo niya. WAAAAAAA! Tulog nga siya... tulo laway pa Huhuhuhu ang dami kong sinabi na ka dramahan hindi naman pala siya nakikinig. -__-
"Ano kaba ang sarap ng tulog ko nang iistorbo ka." Dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya nakita ko pang pinunasan niya yung laway iwwwwwww. -__-
"Aba! Bakit alam ko bang natutulog ka? Eh ang alam ko malungkot ka dahil . . ."
"Dahil?"
"Uhmmm ano kasi . . ."
"Dahil kay Alexa?"
"Oo."
"Wahahahahahahaha yun lang?" Nagulat ako at nag taka. Bakit mukhang hindi siya malungkot para kay Alexa. "Akala ko kasi umiiyak ka kanina pa. . ."
"Ako iiyak? Sawa na yata kaming dalawa ni Alexa sa ganoong salita." Tumayo siya at pinagpag ang armor pagkatapos ang laki ng ngiti sa mukha niya.
Sabay palo ko sa ulo niya.
"Aray ang sakit nun ah."
"Bagay lang yan sayo hmft."
"Hay naku! By the way Oo namn narinig ko yung announcement kanina. Ano tara na?" Sabay lakad.
Hindi ko minsan maintindihan yung utak ni Jan.
"Huy teka san ka pupunta 30 minutes pa naman eh." Syempre hinabol ko siya, ano kayang nasa isip niya ngayon?Habang nag lalakad kami hindi naming maiwasang mag katinginan, paano ba naman ang tahimik niya.
"Sestine?"
"Huh?"
"Anong tunay mong pangalan?"
"Ahh ehh gamit ko tunay kong name ayoko kasing gumamit ng ibang IGN maliban sa pangalan ko."
"Nag aaral karin diba?"
"Aba Oo naman Grade 10 na ako."
"Ah ganun ba." Bakit kaya sa akin napunta yung topic? Naiilang tuloy ako.
"Teka yung skill ba na teleport in short distance yung nakuha mong reward sa gumora flower?"
"Oo pasensya na kung hindi ko sinabi."
"ok lang ang cool non ah." Ngumiti lang siya.
"Nakaka inip noh?" Sabi niya.
"Oo nga eh. . . Gusto mo duel tayo?" Napahinto siya sa pag lalakad. "Talaga? Sige ba!" Biglang nag bago yung mga tingin niya sa akin yung para bang siryoso. Kinuha ko yung bow ko sa likuran at inihanda ko narin yung mga Arrow ko, nakita ko siya kung papaano niya inalis ang espada niya mula sa lalagyan nito, hinawakan niya ng dalawa niyang kamay ang espada nito at sabay battle form.
BINABASA MO ANG
F A T E Underworld Online
FantasyWhat if you have a chance to experience in the Magical world? What if you have a chance to enter and play with it? Do you want to try? Are you curious? The World with full of mystery. The world that everyone's dream. This kind of Virtual world will...