* * *
Guys mag vote naman po kayo para ganahan ako sa pag update... Just simply click or tap the VOTE and kung may comment kayu wag mahiya thanks guys... I love you and thnx for supporting this.
-The Author
Sabi nila lahat ng bata may karapatang mag laro,mag -aral at higit sa lahat kailangan mahalin ng mga magulang... Nangarap ako noon na balang araw isilang akong muli na kahit hindi sa mayaman at marangyang pamilya ako mapunta.. Basta simple at nag mamahalan kami. Kapag may problema sama-sama naming nilulutas.
Pero hindi naman masama ang mangarap hindi ba?
Hindi naman masama na maghangad ng mga bagay na wala ka.
Akala ko sadyang ganito lang ang mundo na kung saan kapag nailabas kana sa sinapupunan ng magulang mo, wala na silang pakialam sayo pero bakit ang ibang bata kung makita mo ay napaka saya nila hindi ko maiwasan mainggit at magtaka kung bakit iba sila sa aming pamilya.
Ako si Alexa at ito ang mundo ko... Ang napaka dilim kong mundo.
Kasama ko ang aking kuya na si Jan siya ay napaka bait kong kapatid na itinuturing ko naring ina at ama kung nag tataka kayu kung bakit gusto kong mag hanap ng bagong mundo dahil sa mga magulang namin na kahit ganun sila hindi ko sila sinumpa.
"Oh Alexa anong ginagawa mo dyan at bakit malalim yata ang iniisip mo?" Tama si kuya Jan napaka lalim nga ng iniisip ko. "At bakit mag isa ka lang nag duduyan dyan?"
"Halika kuya tabihan mo ako..."
"Hindi Alexa ako nalang ang mag tutulak sa duyan.." Naka ngiti niyang sabi
"K-kuya....." Huminto siya at hinarap ako.
"Oh bakit ka umiiyak? Dahil ba hindi mo maabot ang lupa sa duyan ahahaha." Patuloy parin ako sa pag iyak alam ko naman na alam ni kuya kung bakit... "Alexa tama na....wag ka ng umiyak, tumingin ka sa akin..tignan mo ako." Tumingin naman ako sa mga mata niya.. Naka ngiti na parang pinapasaya niya ako.. "Ohhh anong nakikita mo? Diba parehas lang tayo..na napagalitan ni inay pero hindi parin ako umiiyak..."
"P-pero...... Pero." Pumunta siya sa likuran ko.
"Kahit na ano pa yan Alexa.. Wag na wag mong iiyakan kasi alam mo kung bakit? Kasi hindi nila tayo mahal dahil hindi nila tayo tanggap na anak nila. Iduduyan na lang kita kaya kumapit ka ah..."
Jan's POV
Umiiyak siya habang dinuduyan ko.. Hinayaan ko nalang kahit na masakit makita kay Alexa na lagi siyang umiiyak hindi ko rin mapigilan ang lahat ng ito ay kasalanan ko at sarili ko ang sinisisi ko dahil hindi ko siya kayang ipag tangol kapag binubugbog siya ni Mama. Madalas kasing umuuwi si Tatay ng lasing kaya kapag nag aaway sila ako at si Alexa ang napag iinitan ni Mama..
Labing apat palang si Alexa at labing anim naman ako, simula ng mag kamalay at mamulat kami sa mundong ito. Wala na kaming naranasang ligaya parati ng umiiyak at kapag wala ng mai-luha doon palang kami tatayo ng parang wala lang.
Ayokong ipakita na mahina ako kay Alexa dahil ako nalang ang tangi niyang kasangga. At ipinangako ko sa sarili ko na habang nasa tabi niya ako pro-protektahan ko siya.
"Kuya bakit ganun? bakit hindi nila tayo mahal?"
"Alexa hindi mo kailangan mag tanong ng ganyan... magulang parin natin sila."
"Kung magulang natin sila diba nasa school tayo para mag aral at nakikipag laro sa mga bata?"
"Balang araw darating din yun wag kang mag alala." Lagi kong isinasagot sa mga tanong niya na balang araw darating din yun. Sana kung pwede lang mag karoon ng ibang mundo, kahit anong kapalit ibibigay ko. "Kuya Jan tignan mo to!" Nagulat ako sa sigaw niya.. may nakita akong isang karatula.. "Halika kuya tignan mo ito dali..." Lumapit ako sa kaniya.. nakita ko ang isang karatula na naka dikit sa isang pader.
BINABASA MO ANG
F A T E Underworld Online
FantasiaWhat if you have a chance to experience in the Magical world? What if you have a chance to enter and play with it? Do you want to try? Are you curious? The World with full of mystery. The world that everyone's dream. This kind of Virtual world will...