Level-16 Train

19 1 0
                                    

DRAGON FOREST/Monster Zone/PK ZONE/Chrome Server

Alexa's PoV

"Sige pa!" Utos ni Jan kay Sestine.

*Sigh

Buong araw ganyan ang ginagawa nila simula noong nag announce ang GM about dun sa Visitors Cup. Yup, tinawag ito ng mga players na Visitors Cup dahil talagang meroon na raw ito simula pa nung una. Halos puro usok na nga ang nalalanghap ko rito sa kinauupuan ko.

Ang malaking tanong lang sa isip ko ngayon sino kaya yung Child emperor at yung isa...

"Oyy anong tinutunganga mo dyan?" Pagsita ni kuya Jan na nasa harap kona pala.

"Tapos na kayo?" Tanong ko sabay pagpag ng suot.

"Di mo sinagot tanong ko!" Pagsusungit nya.

"Para san pa?" Di naman sa nag hahanap ako ng away di man lang kasi nila ako binigyan ng kahit anoman lang makakain habang pinanunuod ko sila.

"Tama na yan mabuti pa Alexa ikaw naman ang mag training." Pag alok ni Ate Sestine pagkatapos uminom ng Mana pots.

"Kyaaaa~ yehey buti naisip mo yan Ate Sestine." Sabay tumayo ako mula sa kinauupuan ko at niyakap siya. Kanina pa kasi ako kating kati rito sa kinauupuan ko.

"Oo na haha." Marahan niya akong inalis sa pag kakayakap.

***

"Ready Alexa?" Tanong ni kuya Jan na nagmistulang referee sa gilid namin.

Tumango ako.

"Ready Sestine?" Malayo ang pagitan namin ni ate Sestine at yun ang advantage niya bilang Archer. Tinali niya ang kanyang mahabang buhok at kumuha ng arrow as a sign of "ready"

"Okay 3.. 2.. 1.. Go!" Wala pamang Go ay nag pakawala na siya ng Arrow.

Palapit na ngayon sakin ang napaka talim na palaso.

"Water barrier." I cast pumalibot sakin ito dahilan yun para hindi umubra ang pagtira niya sakin.

Water Barrier- Use by water wizzard to protect their selves agains physical attack.

"Vapor." I cast di niya inasahan na lumabas sa kinatatayuan niya ang mainit na tubig na nag patilapon sa kanya.

Vapor- Use by water wizzard, a hot vapored water that sprout throughout the ground attack the enemy target and reduce his movement speed last for 10 seconds.

"Kaasar." Bulalas niya. Bumagal man ang paggalaw niya ay nakuha parin niyang makatayo ng madalian upang mag amba ng atake.

"Triple Hawk." Sabay pakawala papunta sakin.
Napaka bilis nito at wala akong magawa kundi tumakbo. Bitin pa ang mana ko para makapag release ng isang effective na spell.

"WAAAAAAA!!!" Sigaw ko ng matapilok ako.

Tumama sa madamong lupa ang mukha ko. Napaka lampa mo Alexa!!! Huhu.

"STAND UP!" Sigaw ni ate Sestine mula sa malayo, walang ano-ano ay tumayo ako. Haha di tumama sakin yung arrow dahil masyadong malalim yung pagka bagsak ko.

Naasar na kaya si Ate?

Nag tumbling ako papalapit ng konti at nag cast ng water ball.

Water Ball- Simple but good attack from water wizard. Water ball consist of bomb.

Hindi man tumama sa kanya yung mga waterball ay nagsanhi yun ng usok at ginamit ko ang pagkakataon para lumusob ng malapitan..

"HAAAAAAAAA!!" Papalapit ako sa pwesto niya na makapal pa ang usok. Nang nasa pwesto na niya ako ay walang Sestine ang tumambad sakin.

"Oh asan na siya?" Sabay linggon sa paligid.

"AAAAHHH!!! Sharp Arrow!" Malakas na tinig mula sa likuran ko ang narinig. Ngunit bago paman ako makaharap.

Huli na ang lahat.

***

Missy's PoV

"Jian talaga bang papayagan mong dumalaw ang Deja sa UO?" Tanong ko sa nakaupong si Jian.

Bahagya siyang napahinto sa pag ta-type sa computer. "Sa lahat ng Online game tayo nalang ang hindi nila nabibisita at isa pa kailangan natin maipakita na hindi ordinaryo ang online game na'to." Pagpapaliwanag niya.

Ang Deja kasi ang nangunguna sa ngayon dahil sa dami ng player nito ay talagang mahilig sila sa patagisan ng lakas at galing pagdating sa graphics at iba pa.

"Kaya ba natin?" Nadulas ako sa tanong ko.

Tuluyan na nga siyang huminto sa ginagawa, tumayo ito at kinuha ang makapal na folder sa kalapit na lamesa.

Sinundan ko siya ng tingin palabas.

Lagi siyang ganito simula noong matapos ang GM Announcement talagang grabe ang paghahandang ginagawa niya. Pagod, puyat at maging gutom ay natitiis niya.

"Missy?" Napalingon ako sa kinauupuan ni Dex isa sa mga Game Developer kasama siya sa enhancement and Graphical Development.

"Bakit?" Sabay lapit sa kanya.

"Kailangan na nating I-update ang game this day." Tinignan ko ang orasan ko, alas tres na ng hapon. Malamang sa malamang ay maasar at mabubwisit ang mga player kapag nalaman nilang mag uupdate dahil lahat ng server ay mag shu-shutdown.

"As in now?" Tanong ko.

"Opo we need to do this dahil may mga ilang changes kaming nilagay sa skills at ibang graphic sa game, at may inayos din kami sa UI setting neto na mas magiging maganda ang kalalabasan after the update." Pag eelaborate niya.

Wala na akong nagawa kundi sumang ayon. Hindi ko narin magawang tanungin pa si Jian dahil sa alam ko namang stress siya.

Tumango ako kay Dex bago ulit siya bumalik sa ginagawa niya.

Magiging maayos din ang lahat.

Sana.

***

Alexa's PoV

"See napaka galing ko." Pagmamayabang ko.

"Haha Weakness ko talaga ang Water wizzard." Pagpapalusot niya hahaha ang sarap sa pakiramdam na natalo ko si Ate Sestine na napaka galing pagdating sa Duel.

Akala ko matatalo ako pero hindi pala Dahil sa tulong ng casting speed ko ay nakabuo pa ako ng isang water barrier at nagawa ko pang makaatake ng doble combo kay ate Sestine.

"Hahaha.."

"Good Afternoon players of All servers we would like to announce that a game will shutdown in 5 minutes due to game update. So, before the said time We wish that you already log-out thank you."

"Good Afternoon players of All servers we would like to announce that a game will shutdown in 5 minutes due to game update. So, before the said time We wish that you already log-out thank you."

Nawala ang saya sa mga mukha namin nang marining iyon sa kawalan.

Wala kaming nagawa kundi mag log-out.

Ano naman kaya ang mangyayari sa update?
Ano kayang plano ng mga GM?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

F A T E Underworld OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon