Big Liar is calling. . . .Dammit. Mood killer. Wala pang alas dose ng gabi tinatawagan na ako ni Big Liar, I mean my Dad. Wait, scratch that. He's not even my Dad. Ugh, whatever.
"Hey Betty, who's calling? Oh, Big Liar? Ang harsh mo naman ata magpangalan ng mga contacts mo, Sissums. Last night ang tumatawag sayo, Mr. Fraud nakalagay. Sino-sino ba yang mga yan? Ang dami naman atang nangloloko sayo ngayon?" Eva asked while staring at my phone at the table na kanina pa nagva-vibrate pero hindi ko naman sinasagot.
"Madami talaga. But this one and Mr. Fraud is just one person, both Mr. Alfonso de la Vega." Mapait kong sabi bago ako sumimsim ng Martini.
"You mean your Dad? Why are you not answering his calls then?" Leona asked.
"I told you he's not my Dad."
"God, you're so bitter Sis. Technically, Daddy mo siya kasi nga legal ka naman niyang ampon. Ano yan araw-araw mo pinapalitan ng name? Baka mamaya kung anu-ano na din pinapangalan mo samin jan ha."
"Yeah, I have you in my contacts as Evalicious and Leonaughty. How about that?" Napahagalpak kami at napahampas pa sa akin si Eva.
"You're so silly. Well anyway, kung may maganda mang naitulong ang mga nalaman mo sa pagkatao mo at sa Daddy mo, that is finally, you're learning to live your life beyond rules."
"I super agree, Sissums. Dati, puro office-bahay lang yan eh. And in fairness, tumataas na ang alcohol tolerance plus gumu-groove na rin sa dance floor. Cheers to that, Sissums."
Itinaas ni Leona ang kanyang kopita, pati na rin ang kay Eva. Napangisi ako at itinaas ko rin ang akin.
"Siguro dahil pagod na akong maging perpektong anak. Could you imagine? All my life wala akong ginawa na makakadisappoint sa kanila, tapos malalaman ko, hindi naman pala nila ako tunay na anak?"
Wearing my black skin tight tube dress andito kami ngayon sa Tipsyloop, isa sa mga bar na madalas naming puntahan nila Eva at Leona. The room is filled with crowd busy with flirting and grovin' on the dancefloor.
This has been my daily routine. Office sa morning, Party and clubbing sa gabi. Oh, I mean hanggang madaling araw pala. And I've been doing this for two months or three already, going wild and getting wasted.
To move on and forget all the pain dahil sa pagkawala ni Mommy at ng kapatid kong si Elizabeth. Tapos malalaman ko na adopted child lang pala ako.
Dammit, gusto kong magpakalunod because deep inside, it hurts. Ugh, wait.
Stop, stop right there drama queen Anabeth. Seriously? Ito na naman?
Saway ko sa sarili ko."Oh no, Betty? Umiiyak ka na naman ba?" Hinawakan ni Eva ang pisngi ko.
Hindi ko namalayan na nagbabadya na pala ang mga luha ko sa pagbagsak. Lagi na lang ganito, pag naiisip ko sina Mommy ay hindi ko maiwasang mangiyak. Parang wala na akong kakampi.
"Oh come on, let's go to the dancefloor. Betty, wake up! Sino kang iyakin ka? Ibalik mo ang kaibigan namin!" Pagbibiro ni Leona habang hinihila ako papunta sa dance floor.
She's teasing me again. Feeling niya kapag nag-e-emote ako, tinatrato nila akong parang nasasapian, nasasapian ng kanegahan at bad vibes.
It's Eva and Leona who helped me back then, when I was drowning in pain. Tinuruan nila akong pumarty, magsaya at makalimot.
They even gave me a nickname. Betty, Anabeth de la Vega Version 2.0:
From a prim and proper Anabeth to hot and wild Betty. And now, ako na ang may kontrol sa buhay ko.