Nagulat ako. Nang dumapo ang labi niya sa labi ko, naitulak ko siya ng malakas.
"What are you doing?!" Naisigaw ko. Nanigas lang siya na parang nabigla rin. Hindi ko alam kung saan siya nagulat. Sa ginawa niya, sa pagkakatulak ko o sa sinabi ko.
God, I never expected this. Is she a lesbian? But how?
Mas girly pa nga siyang manamit kesa sakin. Or maybe because she's drunk.
"I-I'm sorry Betty. I was just... drunk and I... I'm really sorry, I gotta go." Tumayo siya at walang anu-anong dumeretso palabas ng office ko.
What the hell did just happen?
Woah. Siguro lasing lang talaga si Leona, at sana magpahinga na lang siya sa condo niya.
Pupunta na sana ako sa desk ko pero dumating si Eva.
"Hey Sis, what happened to Leona? She looks so haggard today. Tapos nasalubong ko pa siya pero di man lang niya ako pinansin. Problema nun?" Usisa ni Eva.
Should I tell her?
Wala naman sigurong masama. Isa pa, common friend namin si Leona at mas matagal naman silang magkakilala.
"Galing siya dito, Sis. And she's acting really weird. Ewan ko ba kung dahil lasing siya, she even kissed me!"
"She's drunk? And she just kissed you? Anong ginawa mo nung hinalikan ka niya?"
Leona was not even surprised, that's weird. O baka napaparanoid lang ako.
"I pushed her. I was so shocked for pete's sake!" Napahilot pa ako sa sentido ko at napapikit nang maalala ulit ang nangyari kanina.
"She's insane." Eva said.
"I know right! Maybe because of the alcohol. She couldn't be a lesbian... that's impossible, right Sis?" Bumaling ako kay Eva at naghintay ng pagsang-ayon galing sa kanya.
"Y-yeah... Of course. Uh Sis, I have to go. Dadaan pa pala ako kay Mr. Santos para magpasign ng documents." Paalam niya.
Hindi pa man ako nakaka-oo ay bumeso na siya sa akin.
"I really have to go. I'm... I'm sorry Sis."
"Looks like you're really in a hurry, Sis. Ngayon ka lang ata tumangging makwentuhan eh. Sige na, catch up na lang tayo next time." Pambibiro ko sa kanya.
Tatalikod na rin sana ako para ituloy ang naiwang trabaho sa desk ko pero tinawag pa niya ako at nilingon ko naman siya.
"Yes, Sis?" Tanong ko.
"Ah, wala. Sige, bye Sis." Tuluyang paalam nito.
I guess it is indeed a weird day. First, Leona kissed me. Second, tumanggi si Eva sa kwento ko. Weird.
Bumalik na ako sa desk ko. Gosh, tambak na naman ang mga documents na kailangan kong basahin. At may meeting pa ako after an hour. I could have had a secretary to fix my schedule and to minimize my work pero hindi na lang siguro.
Simula nang makita ko si Dad at ng sexretary niyang naglalampungan, sinisante ko na rin ang sekretarya ko. Baka kasi mapagbuntunan ko na lang ng galit ko everytime.
LUMIPAS PA ang ilang oras at kailangan ko ng punta ng conference room. Imi-meet ko kasi ang pangalawa sa top three clients namin for the month, si Mr. Uy ng Chi-Thai transport group.
Halos mararating ko na ang conference room nang may narinig akong yabag ng heels na kung hindi ako nagkakamali ay hindi baba sa four inches.
Tignan mo nga naman ang pagkakataon, nakasabay ko pa talaga ang magaling na sexretarya ni Dad.