"Sir natutulog pa ho si Ma'am Ana."
""I dont care! Give me the duplicate key!"
"Pero Sir, kabilin-bilinan po kasi ni Ma'am..."
"Ako ang nagpapasweldo sayo kaya wag kang matakot sa malditang iyan. Now, give me the key."
"Eto po, Sir."
I wake up with all those fucking noise from God knows who. Lalo na nang marinig kong ang marahas na pagbukas ng pinto ng kwarto ko.
But I still pretended to be asleep. Mapapasabak na naman ako sa matinding soap opera nito.
"Where have you been last night Ana? Halos patayin mo ako sa pag-aalala! Hindi ka na ba titigil sa pagrerebelde mong ito? Ano na lang iisipin ng mommy mo?"
Fuck like he cares. Sa tingin ko, ang ipapangalan ko sa kanya ngayon ay The Lying Game Master. But Duh that's too long so maybe The Nagger Liar or hi'liar'ious will do.
I've been name calling him since when, since Mom and Elizabeth died because of a car accident. Halos magtatatalong buwan na ng mangyari ang insidenteng iyon.
Papunta sila ng airport dahil may flight si Elizabeth papuntang States at sinamahan siya ni Mommy. Ima-manage kasi ni Elizabeth ang branch ng company namin-- scratch that, company ni Alfonso de la Vega roon. But they met an accident.
Dahil sa aksidenteng iyon, nawala ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko. It was hard to bear. It was painful.
Pero hindi ko inaakalang dahil din sa aksidenteng iyon ay malalaman ko ang totoo kong pagkatao. Nalaman ko ang isa sa mga kasinungalingan ni Daddy.
And this one is way beyond the ordinary kind of pain, it's destructive.
Nakakabobo, nakakagago.
Nang malaman ko that I, was never part of their family. Sampid lang ako sa pamilyang ito.
Nang burol ni Mommy at ni Elizabeth, narinig ko sila ni Mamita na nag-uusap. Parang nawasak ang pagkatao ko sa mga narinig ko ng mga panahong iyon.
"It's your fault Alfonso! Kung yang ampon mo na lang sana ang ipinadala mo sa States, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito!"
"Huminahon ka Ma, baka may makarinig sayo."
"At ako pa talaga ang hihinagon? Edi sana kung hindi mo pinapaboran yang ampon mo, hindi sana namatay ang apo ko! Kaya naman niyang mag-isang pumunta sa airport edi sana hindi rin namatay si Amanda!"
Kahit noon pa man, hindi na talaga maganda ang trato sakin ni Mamita. Iyon pala ay dahil alam niyang sampid lang ako.
Kaya pala okay lang sa kanya na ako ang mamatay. Edi sana pala ako na lang ang namatay! Tutal daig ko pa ang unti-unting pinapatay dahil lagi naman nilang pinaparamdam na hindi ako parte ng pamilyang ito.
Kahit noon pa man! I've been struggling to fit in when in fact I will never become part of their family. For I don't even belong to their family in the first place.
Kaya pala kahit na ginawa ko na ang lahat para maging perpekto akong anak, kahit na ginawa ko na ang lahat ng gusto nila ay kulang pa rin.
Kaya pala pakiramdam ko parang nasa ibang mundo ako na pilit isinisiksik ang sarili para lang mapabilang sa pamilya nila. Kaya pala kahit na magkamali si Elizabeth okay lang, at pag ako ay isang malaking disappointment na.
Dati ang akala ko ay dahil siya ang panganay at siya ang mas gusto nila. Iyon pala ay dahil siya lang ang totoong anak ng mga De la Vega. Kaya pala ganun na lang kung suportahan siya ni Dad, because I was never his daughter.