He was furious. Para siyang makakapatay ng tao. Ano bang nagawa ni Carl sa kanya at sinuntok niya? Bakit ba kasi siya nandito?
"What are you doing?!" I managed to say.
Nagmasid ako sa paligid. So much attention. May flash akong napansin sa peripheral view ko. Kinabahan na ako.
Pictures! Eskandalo! Oh no.
Nang lumaki ako, laging pinapaalala sa akin ni Mom at Dad na mahalaga ang dignidad. Kaya ang madawit sa anumang eskandalo ay kahihiyan na kung maituturing at makakasira sa pangalan ng pamilya. Bababa ang tingin sayo ng mga tao, huhusgahan ka.
Ang malala pa, dahil sa work of mouth masisira ang koneksyon mo sa ibang tao kahit pa sabihing hindi naman totoo ang mga paratang sayo. Maihahalo sa business ang mga personal issues and even happenings from the past, mauungkat.
That's how most business people judge. Through background and credibility check. Ang background ng kompanya ay nakasalalay rin sa kung sino ang mga nagmamanage at may-ari nito.
Oo, narealize ko na hindi mahalaga ang iisipin ng ibang tao. Yun ay kung buhay ko lang ang pag-uusapan. Eh kaso hindi, business ito ng pamilya namin-- ng mga De la Vega.
Mom and Ate Elizabeth are De la Vega's. Kahit pa gusto kong pasaktan si Dad, hindi maaatim ng konsensya ko ang madawit o mapasama ang pangalan nina Mommy dahil lang sakin.
Kesyo masasabihan ako ng, 'She has no class. No manners. No breeding.' O di kaya 'hindi ba 'yan pinalaki ng maayos ni Amanda?'.
I can't bear that. Di bale ng madisappoint ko ang lahat ng tao sa mundo, wag lang si Mommy.
Mabuti na lang ay may mga lalakeng nakaputi na hinablot ang mga cellphone ng mga kumukuha ng litrato. Mukhang mga body guard ito ni Carter.
"Tangina, Carter." Napahawak si Carl sa labi nito. Lumuhod ako para maalalayan siya.
"Are you okay?"
Wow. Tinanong ko pa talaga. Putok na ang labi, okay pa?
"You're coming with me." Carter said. And that was not even a question, it's a statement! An authoritative one!
Aba, yabang nito ah. Ano bang akala niya? Basta-basta na lang akong sasama sa kanya ng ganun-ganun lang na akala mo kung parang sinong babae sa bar na hahablutin na lang niya para makipag-one night--- oo nga pla. Nagpakaladkad nga pala ako kagabi. Pero hindi na mauulit 'yon!
Hindi nga ba?
"No." The only thing that came out of my mouth.
Oo, sumama ako sa kanya ng gabing pero hindi na ngayon. I am in a middle of a business meeting and I can't afford to ruin this one.
"I'm not asking." Iyon lang ang sinabi niya at ganun-ganon na lang ay binuhat niya ako palabas ng restaurant.
Paano na ang presentation? Ah, may back-up naman. Ang laptop pwedeng palitan, pero paano si Carl? Parang hindi pa ito makatayo.
Teka, diba dapat ang tanong ay paano ako?
"Put me down. Let me go!" Nagpumiglas ako.
Dapat lang diba? Malay ko ba kung papatayin ako nito? Papatayin sa sarap at ide-deretcho sa langit.
Naman, Anabeth. Dito mo pairalin ang pagiging palaban mo, hindi yang kalandian mo! Sabi ko sa sarili ko.
Gustong-gusto kong magpumiglas. Pero anong magagawa ko? Para akong batang paslit na walang kalaban-labang tinangay ng mga masasamang kidnapper.