1. The Campus Nerd

67 2 0
                                    

I woke up around 4:30 am, nasanay na din kasi ako gumising ng maaga. Nagdecide na din ako na mag ayus na ng gamit, kasi 7:30 am ang start ng class ko, dagdag mo pa natutulungan ko pa si nanay na mag ayus sa bakery.

Nung nakapaghilamos na ako, bumaba na ako at dumiretso sa bakery ni nanay at nagsimula na kaming mag-bake. Tinuruan ako ni nanay mag-bake, tutal mahilig naman daw ako kumain ng kumain, tinuruan na din niya ako magluto.

Ang pinagtataka ni nanay, magaling daw ako mag bake ng cookies though di naman daw niya yun tinuro sa'kin. Kahit ako, di ko alam kung saan ko natutunan yun. Basta alam ko lang na marunong na talaga ako mag-bake ng cookies.

"Yuri, tama na yan, mag-ayus ka na din ng sarili mo. Maaga pa ang pasok mo. Baka malate ka pa. ako na dito. Sige na" sabi sakin ni nanay habang nag mamasa.

"Sige po. Tapusin ko nalang po muna tong cookies" minsan lang ako nagbi-bake ng cookies. At ang minsan na yun ay ngayon. Joke. Kapag naispan ko lang na magbake ng cookies, dun lang ako magbi-bake. Mabenta din naman ang cookies eh. Sabi nga ni nanay, madami daw ang nasasarapan sa cookies.

"Tapos na po ako Nay, mag aayus na po ako." paalam ko kay nanay.

"Sige, salamat anak." nakangiting sagot niya sakin.

Mabait si nanay, Kahit ampon niya lang ako, alam ko at nararamdaman ko na anak na talaga ang turing niya sakin.

Umakyat na ako sa kwarto ko para makapaghanda na sa pagpasok. It's already 2nd week of classes. Last week, more on intruducing and explaining about the Rules of the professors and the grading system.Imagine, Nag-eexist pa pala ang grading system sa college?

Nung matapos na ako, bumaba na ako at nagpaalam kay nanay na aalis na ko. Pero bago pa man ako makalabas bahay, tinawag nya ako at pinalapit sa kanya. kaya lumapit naman ako.

"Bakit po Nay?" tanong ko nung makalapit na ako. Nagulat naman ako nung abutan niya ako ng 250 pesos.

"Sige na anak, kunin mo na yan pandagdag sa baon mo." sabi ni nanay at saka nginitian lang ako.

"Pero Nay, Masyado na pong malaki to, saka may pera pa po ako" sagot ko naman. At oo, malaki na ang halagang yan para sa isang araw ko. Walking distance lang din naman ang campus.

"Sige na, kunin mo na yan. Minsan lang naman yan eh. Kaya sulitin mo na habang di pa umiiral ang pagiging kuripot ko" sabi naman niya sakin na ikinatawa ko. Sa totoo lang di naman talaga kuripot si nanay.

"Baka po kasi kuripot ka talaga ? Hahaha" Natawa nalang din si nanay sa sinabi ko kasi alam naman niya kahit may pagkasarkastiko ang pagkakasabi ko ay nag jojoke lang ako.

"Hay naku, nagkakalokohan na ata tayo dito anak, Sige na baka malate ka pa. Ingat ka" Nag mano ako sa kanya bago umalis.

--------

Maaga akong nakarating sa Campus, konti palang ang mga studyante sa campus ground. At dahil maaga pa, pumunta muna ako sa likod ng gymnasium. Dito ako naglalagi kapag break time, lunch time o vacant, tahimik kasi dito at ang lagi kong pwesto ay ang sa taas ng puno. Ewan ko ba. Trip ko si pareng puno eh. Natutuwa ako pagnandito ako sa taas. May 30 mins. pa ako para tumambay dito.

Dito nga pala sa campus may mga tinatawag silang ROYALTIES. Sila ang grupo ng mga Mayayaman, Matatalino at mga Magaganda at Gwapo (daw) na mga studyante dito. Pero sa ilang buwan ko dito, wala manlang akong nakilala o kilala kahit isa sa kanila. Never ko pa silang nameet.

Sabagay, hindi ko din naman sila iniintindi. At wala rin naman akong planong kilalanin pa sila. Baka lalo lang gumulo at lumaki ang inis sakin ni Sheena. Sa pagkakaalam ko kasi may nagugustuhan siya na isa sa myembro ng grupo na yun at sinabi niya sakin na wag na wag ko daw lalapitan ang mga yun. As if naman na papansinin din nila ako diba ? Baka pag nangyari yun Gumuho bigla ang mundo.

Lost Heiress: The Deadliest Of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon