3. Hell Day

33 1 0
                                    

Yuri's POV--

Good morning fellas. It's time to wake up.

*yawn*

Why do I feel like..... arrgghh. nevermind..

Weird eh..

By the way, Ayun nga. Bumangon na ko then, sinimulan ko na ang morning rituals ko, at dumiretso na sa bakery. Nakita ko naman na nandun na din si nanay mukang kagigising lang din niya. Sabagay, It's still 4:30am at tulog na tulog pa si Sheena. Gigising lang yun ng 7 am. 9 pa kasi ng tanghali ang pasok nun.

"GoodMorning Nay,.." bati ko sakanya.

"GoodMorning din.. Sobrang aga mo naman nagising ngayon Yuri ? Nakatulog ka ba naman ng maayus ?" Tanong ni nanay..

"Opo. Nakatulog naman po ako ng maayus.. Medyo weird lang din sa feeling.." sabi ko sabay kibit-balikat na sinimulan na mag-arrange sa bakery.

"Bakit naman ?" tanong niya habang pinupunasan na din yung mga paglalagyan ng mga tinapay mamaya.

"Nevermind nalang po. Baka siguro masyadong napaaga lang yung gising ko ngayon kesa sa normal na gising ko." Sabi ko nalang kay nanay, saka ngumiti. Nginitian lang din naman ako ni nanay at saka tahimik na kaming gumawa. Di naman sya awkward na tahimik lang kami. Actually, ganito talaga kami ni nanay. We can't feel awkwardness because we're injoying the silence. Yea. We're injoying it. Weird, I know.

"Oo nga pala, anak. Kagabi, may pumunta dito. Mga pasado alas otso na din. Hinahanap ka." biglang sabi ni nanay.

"Bakit daw po ?" tanong ko habang nagmamasa ng harina.

"Wala namang sinabi nung nabanggit ko na tulog ka na." huminto naman siya sa ginagawa niya at humarap sakin.

"Yuri, Sabihin mo nga... May nanliligaw na ba sayo?" Napahinto ako saglit, at tumuloy din. Di naman sa nagulat ako sa tanong ni nanay, di ko lang talaga inaasahan kasi alam kong alam niyang walang mag-babalak lumapit sakin, lalong lalo na ang manligaw pero tinanung niya pa din yun. Siguro lalaki ang naghahanap sakin kagabi kaya natanung yun ni nanay.

"Hindi porke lalaki ang naghanap sakin kagabi, ay may nanliligaw na" sabi ko kay nanay. Naningkit naman bigla ang mata niya. Hayy..

"Pano mo naman nalaman na lalaki nga yung pumunta dito kagabi?" Tanong niya.

"Di ka naman po kasi magtatanong kung babae ang naghanap sakin kagabi, diba ?" balik kong tanong sa kanya. Napatango-tango nalang siya.

"Oo nga naman.. Hayy" bulong niya saka tumuloy sa ginagawa.

'Bumulong pa, rinig ko din naman' Napa-iling naman ako dun sa naisip ko.

---------

After ko magbake, Nag-paalam na ko kay nanay na magaayus na ko para pumasok, tinanguan lang naman niya ako.

"Nang Violee, May cookies po kayo ngayon? gusto ko po sana yun eh, paborito ko kasi yun" rinig kong tanong nung bata kay nanay. Napatingin naman sakin si nanay. Di kasi ako nagbake ng cookies ngayon. Sabi ko nga diba, minsan lang ako magbake nun...

"Pasensya na Mella, Wala eh. Di nakapag-bake si ate Yuri ng cookies ngayon.. Pasensya na.." sabi ni nanay dun sa bata. Sinasabi ni nanay kasi sa mga bumibili dito na ako ang gumagawa nun. Kaya kilala din ako ng marami dito samin. Ewan ko ba naman dito kay nanay. Hayy.....

Umakyat nalang ako sa kwarto ko para makapag-ayus na. Naka-ready naman na ang mga gamit ko, kaya sarili ko nalang ang aasikasuhin ko.

After 30 mins. (maybe). Nakabihis na ko. Ready to go na. Bumaba na ako, pero bago ako umalis, kumain muna ako. Hindi kasi ako nagla-lunch sa school. Ayoko kasi na sumabay sa lunch ng ibang studyante. Kaya tuwing vacant ko ako kumakain. Sa likod ng gym parin. Bibili lang ako sa cafeteria.

Lost Heiress: The Deadliest Of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon