2. The Mask Guy

27 3 0
                                    

Yuri's POV-------

Nagising ako kasi biglang nag-vibrate ang phone ko, muntik pa akong mahulog dahil sa gulat. Nung tignan ko ang phone ko, nakita ko na si Sheena ang nagtext sakin.

Hoy.. Panget.. Nasan ka ? May ipapagawa ako. Pumunta ka sa garden.

Ano nanaman kaya binabalak nito ? Kung ano man ang ipapagawa nito sana naman, kahit ngayon lang medyo Matino.

Tinignan ko kung anong oras na..

2:56.. mahaba-haba na din pala yung naitulog ko..

Maka baba na nga at ng mapuntahan ko na din si Sheena. Baka nag-aalburuto na yun dun. Ayaw daw kasi niya na pinaghihintay siya. Hayy, yung babaeng yun talaga.

Sa totoo lang mas matanda talaga ako sa kanya, mga 7 months lang naman. Ayaw din niya ng nalalamangan siya. Lalong lalo na ang bina-back stab siya.

Tumalon na ako pababa ng puno at nag lakad na papunta sa garden. May mabilis akong daan papunta dun. Dito lang din, sa gilid ng gym may daan dun para mabilis makarating sa garden. Ako palang ang nakaka-alam nito, pero ang daanan na yun ay parang gawa din ng tao, pero wala namang ibang dumadaan dun. Kung sa harap kasi ako dadaan, matatagalan ako kasi maraming building na dadaanan. malaki po kasi tong Campus. kung dito naman ako dadaan, madali lang kasi dirediretso lang.

*RING.RING.*

"San ka na ? kanina pa kita hinihintay !!!!" Sigaw ni Sheena sa kabilang linya.

"On the way" yun lang ang sinabi ko saka binaba na ang tawag. Ayaw din niya na binababaan siya ng tawag, na lagi ko namang ginagawa. Lahat ng ayaw niya, nagawa ko na. Kaya inis na inis din talaga siya sakin.

Nung makarating na ako sa kinaroroonan niya, agad niya naman akong sinigawan at nilait lait.

"Tanga ka talaga. Alam mong ayaw ko na pinaghihintay ako. You also know that I should be the one who ended that call. But you did all of those. Again.!!! Iniinis mo ba talaga akong Nerd ka ? HA !!!"

Hayy. Di ko alam kung anong gagawain ko kay Sheena. Madami na ang nakatingin samin. Binulabog ba naman nya ang nananahimik na Garden... Hayy. Ang ganda pa naman dito.. Sayang lang at nandito siya -_-

"Wala ka bang balak na mag-sorry?!!!" Tanong niya sakin habang nakapamewang at halata sa mukha niya ang matinding inis.

Imbis na sagutin ang tanong niya. tinitigan ko lang siya, Emotionless, na lalo niyang kinainis. Lagi naman kaming ganto kaya lagi din siyang naiinis sakin. Kahit ayaw ko ng gulo, ito ang lumalapit sakin.

"ANO!? TITIGNAN MO LANG AKO ?!!" Halos pumutok ang ugat niya sa ulo sa sobrang galit.

"Ano ba ang gusto mong ipagawa?" still ganun parin ako. Si nanay lang ang nakakakita ng emosyon sa mukha ko. Sa kanya ko lang din yun ipinapakita. Di ko din naman kasi mapigilang maging ganto sa iba. Lalo na sa mga hindi ko kaclose, kahit kay Sheena. pero may pagkamaingay din ako at makulit.

"Gawan mo ko ng Research example. Ngayon na. kailangan ko na yan mamaya" Sabi niya saka umalis at iniwan ako. Hayyyy. Napabuntong hininga nanaman ako. Yan ang lagi niyang ginagawa sakin, Taga gawa ng project, assignment, O ano pa na di niya kayang gawin.

Nagsimula na akong maglakad papuntang Library at nang matapos na din to. Madali lang naman gumawa eh. Saka example lang naman daw. Madami nun sa Library.

After an hour or maybe 2 or 3, natapos ko na din ang pinagawa ni Sheena, kaya tinext ko siya na magkita nalang kami sa garden at pumayag naman siya. Akala ko paghahanapin pa niya ako kung nasan siya eh. It's already 6. nagdidilim na din. Hanggang 7 din naman ang last class dito.

Lost Heiress: The Deadliest Of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon