CHAPTER 4:

1.8K 78 0
                                    


Napalingon naman ako, nakita ko yung tatlong babae na nakatayo na tapos yung isang nerd na mukhang sya yung sinampal, nakayuko na. Napatayo naman ako, napahinto sa pagkain sila Sinja at Marla, nakita ko naman na tinaasan ako ng kilay nung isang babae na mukhang leader ng kung anong grupo ng mga bitch.

"Anong tinitingin-tingin mo, ha?!" Itataas na sana nya yung kamay nya para manampal pero nakita kong may binulong sakanya yung isang babae tapos bigla nalang silang umalis. Ano kayang sinabi nung babae na yon para mapigilan nya yung bitch na yon sa pagsampal sakin? Lumingon naman ako doon sa nerd na sinampal nila, hahawakan ko palang sana sya pero bigla na syang tumakbo. Anong nangyari don?

"Alicia, bakit?" Nakatayo na rin pala ngayon sila Sinja at Marla, naagaw nanaman naming yung atensyon nung mga estudyanteng nandito. Nakakahiya. Umupo na ko tapos pinaupo ko din sila.

"Bakit ka tumayo kanina?" Tanong ni Sinja. Umiling nalang ako.

*Ring. Ring. Ring.*

Lumayo sandali si Sinja kasi may tumatawag sakanya.

"Okay ka lang, sigurado ka?" Tumango ako at ngumiti tapos bumalik si Sinja at sinabi na nandyan na daw driver nila. Lumabas na kami ng cafeteria tapos nakita namin yung kotse nila sa parking lot, sumakay na agad kami.

"Kailan tayo mag pupuntang mall?" Tanong ni Marla, wala naman akong maisagot kasi wala pa yung allowance ko na natatanggap ko sa pagiging scholar.

"Coffee shop nalang muna tayo bukas?"

"Wala pa allowance mo?" Tumango ako kay Sinja tapos nahihiyang ngumiti.

"Starbucks tomorrow. My treat." Nagsisigaw kami ni Marla sa tuwa dahil makakatipid kami.

"Maam Alicia, nandito na po kayo."

"Alicia nalang po, Kuya Cardo." Natatawang sabi ko, nagpaalam na ko sakanila tapos pinanuod ko na muna silang makalayo tsaka ko pumasok sa bahay.

"Ma, nandito na po ako!" Lumapit ako kay Mama tapos nagmano ko.

"Ang aga mo yata."

"May dadasalan daw po doon sa isang building samin, kaya maaga eh."

"Ganon ba? Oh sige, kumain kana dyan. Urungan mo na din pagtapos inaantok na ko eh." Tumango naman ako at bineso sya tapos pumunta na kong kusina para kumain. Matapos kong kumain, inurungan ko na din. Pumunta na kong kwarto ko tapos naligo, ang lagkit lagkit ko na. Nung nakapagbihis na ko, nahiga na ko tapos binuksan ko na din facebook ko. While scrolling, I saw a familiar name.

(Kuya, kamusta ka dyan sa heaven? Hindi ko matanggap. Bakit? Ano? Kuya, bakit ang aga? Kanina lang kasama kita eh, kanina lang tinitilian ka pa ng mga fan girls mo sa campus. Diba sabi mo pag kagraduate ko pupunta tayo ng Paris kasama yung boyfriend ko sa time na yon, kasama din yung girlfriend mo. Sabi mo, ikaw bahala sakin? Sino nalang maghahatid sakin sa altar? Sabi mo ikaw maghahatid sakin! Sino nalang manununtok sa lalaking manloloko sakin? Sino nalang magluluto ng breakfast ko? Kuya, bakit mo ko iniwan? Bakit sumama kaagad kila Mom and Dad? Bakit iniwan nyo kong lahat? Bakit hindi nyo ko sinama? Bakit? Bakit hindi mo nalang sakin sinabi yung problema mo? Eh di sana tayong dalawa magsosolusyon non. Pero kuya, kahit masakit, kakayanin ko. Alam ko kasing ayaw mong makikita kong ganto. Kung nasan ka ngayon Kuya, mag iingat ka dyan. Ikamusta mo ko kila Mom and Dad. Paalam kuya. Rest in Peace.)

761 reactions and 305 comments. Binasa ko yung mga comments, base sa mga comments na nabasa ko, Trade yung pangalan nung lalaking namatay. May picture din naman na nakapost, It's a picture of a girl na nakayakap doon sa lalaki. Mukhang yung lalaki na yun, yung tinutukoy sa post. Trade? Yung narinig ko sa cafeteria kanina? Nag scroll pa ko ng mga comments tapos nakita kong nag comment din sila Marla na condolence. Sabi ko na nga ba eh, ka batch ko yung babae. Hindi ko parin sila kilala. Nilog out ko na yung account ko tapos natulog na, nakakapagod.

"Tulungan mo ko .*sob* Nagmamakaawa ako sa iyo. *sob* Tulungan mo ko. *sob*"

M-may lalaking nakatalikod, umiiyak sya, humihikbi. Lalapitan ko na sana sya...

"AHHHHHHHHHH!"

Napabangon ako bigla, panaginip pa ba yon? Mukha na yung bangungot. Narinig ko yung mabilis na yapak ni Mama na tumatatawag sakin, pakiramdam ko ang layo ng tinakbo ko sa sobrang pawis ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko, sumisikip. Bakit? Sino yun lalaki? Anong kailangan nya sakin?

"Anak, anong nangyari?!" Nakita ko sa mukha ni Mama yung pagkataranta at pag aalala. Gusto kong sumigaw kaso tanging eto lang ang lumabas sa bibig ko paglapit nya,

"M-ma, t-tubig."

Patakbong bumaba si Mama tapos pagbalik nya, pinainom na agad nya ko ng tubig. Niyakap din nya ko kaya nakahinga na ko ng maluwag. Pinunasan din nya ko ng pawis.

"Okay kana ba, nak?" Tumango naman ako.

"Ano ba kasing nangyari?"

"Nanaginip lang po ako. Sige na po matulog na po kayo, Ma." Sabi ko sakanya at pilit na inaayos yung pananalita ko, kahit na nabubulol ako.

"Nakalimutan mo yatang magdasal. Magdasal ka ulit, kinabahan ako sayo eh. Ipunas mo to sayo, matulog ka na, nak." Inabot nya sakin yung basang bimpo at naramdaman ko yung halik nya sa noo ko tapos lumabas na sya.

Nagdasal ulit ako. Alas dose nan g umaga, nakatulala lang ako sa kisame, pilit na kinalilimutan yung panaginip ko.

In Love With A Ghost (COMPLETED)Where stories live. Discover now