CHAPTER 25:

1K 46 3
                                    


MYCO'S POV

Nang makarating agad kami ng Hospital agad silang pumasok at lumapit agad si Clyde na panget sa isang nurse dito at putek na yan, napanganga yung nurse sa mukha ni Clyde, aba. Baka napangitan kaya ganon, mas gwapo kasi ko sakanya.

"Oy, Clyde! Halika na, alam namin kung anong room number ni Alicia." Ani Marla, narinig ko naman na bumulong si Sinja na hindi napalagpas ng tenga ko.

"Gusto pa kasi magpacute sa nurse."

Natawa naman ako. Mukhang nagseselos si Sinja. Hahaha.

Narinig ko naman na napalingon sila Marla at Clyde kay Sinja. Mas natawa ko sa reaction nila. Hahaha. Sa tingin ko may gusto parin si Sinja dito sa Clyde na 'to pero hindi ba't boyfriend sya ni Ali?

Eto nanaman yung kaba na nararamdaman ko, saya na may halong kaba. Hindi ko maintindihan.

Pumasok kami sa isang kwarto, bumungad sakin ang may benda sa balikat at sa binti na si Ali.

K-kasalanan ko ba?

Gusto ko syang yakapin, gusto ko syang tabihan.

Nakakatawa lang na hindi ko man lang magawa.

Nawala ako sa pagiging tulala ng tumakbo si Clyde na panget kay Ali.

"Princess!" Aniya habang sinalubong ng yakap si Ali. Da moves amputa. So, sya nga yung princess na tinutukoy nila? Baduy.

Niyakap din sya ni Ali kahit na bahagyang napangiwi sya dahil malamang sa nabunggo nyang sugat.

Humiwalay naman agad si Clyde na 'yon at ngumiti, ngumiti din naman agad si Ali pabalik.

Nakakainis. Eh ba't ba ganto ko magreact, ha? Para bang nangangati yung kamao kong manapak ng kung sino.

"Kamusta ka? Masakit parin ba? Ano ba kasing nangyari?" Ani Clyde na panget.

"Mahabang kwento, okay naman na ko." Sagot naman ni Ali habang nakangiti, nawala ang pagkainis ko dahil sa ngiti nya.

Ngiti nya kung saan nagsimula ang iba't ibang klase na nararamdaman ko sa tuwing nasa paligid sya.

Narinig ko naman ang pagsingit ni Marla kaya hindi ko napigilan ang pagtawa.

"Pwedeng kami naman?" Aniya kaya natawa din si Clyde na panget na 'yon at si Sinja, lumapit naman yung dalawa at niyakap si Ali.

"Miss na miss ka namin, ano ba kasing nangyari?"

Kasalanan ko. Sasabihin ba nya na nakikita nya ko?

"Ayaw namin mastress ka kaya wag nalang, basta namiss ka namin." Sabi pa ni Marla.

"Aww. O-ouch."

"Ay sorry." Napakamot ng batok si Sinja at napuno na ng tawanan yung loob ng kwarto kaya natawa na rin ako. Napahinto ako sa pagtawa ng biglang napahinto din si Ali. Lumingon sya sa gawi ko at nagtama ang paningin namin.

Hindi ko nanaman maintindihan yung nararamdaman ko. Kaba, saya, hindi ko malaman.

Nabawi ang pagkagulat nya kaya agad syang ngumiti. Tila ba sa isang ngiti na 'yon nabuo yung araw ko. Hindi muna ko nakareact pero nginitian ko na dn sya. Yung ngiting gwapo, alam nyo yon? Konti nalang kaming nakakagawa non.

"Uy, princess?"

Alam nyo yung epal? Si Clyde na panget 'yon. Sarap nyang multuhin, promise.

Nawala na sakin yung atensyon ni Ali at na kay Marla at Sinja naman. Nag-uusap sila about school stuff at ewan. Si Clyde naman kausap na yung mama ni Ali, sipsip.

Maya-maya lumapit sya kay Ali at binigay yung favorite nito. Nakita ko naman ang tuwa sa mukha ni Ali, kung sana ako na lang. What the fuck? Sinabi ko ba 'yon? Nagiging baduy na rin pala ko. Hahaha.

"Thank you. Eh, hanggang kailan ka pala dito?" Ani Ali habang umiinom ng chuckie.

"I'm staying here for good."

What? Huh? Teka, nag loloading pa.

Loading...

What? For good?!

Ibig sabihin may kahati na ko sa atensyon ni Ali? H-ha? Ano bang sinasabi ko? Nilingon ko si Sinja na halatang nagulat, si Marla naman kinikilig at nagtatatalon na at si Ali naman na tuwang tuwa at nagsisigaw sabay yakap kay Clyde.

"Tara na nga, kumain na muna tayo." Sabi ni Tita na kanina pa pala naghahanda ng pagkain, sabay sabay silang kumakain habang nagkukwentuhan.

Ang saya nila tingnan, masaya ba ko? Oo, masaya ko habang nakikita sila na masaya. Masaya ko na nakikitang masaya si Ali.

"Tita, uuwi po muna ko. May emergency sa bahay." Sabi ni Sinja matapos silang kumain.

"Naku, sige. Paano yan gabi na? Clyde ipagdrive mo kaya si Sinja?" Ibinaling ni Tita yung tingin kay Clyde. Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Sinja. Natawa nalang ako at napansin ko naman ang tingin ni Ali. Lumingon ako sakanya pero agad syang nag-iwas ng tingin. Bahagya akong natawa.

Ali you're so adorable.

"Naku, Tita wag na po. Kasabay ko naman po si Marla." Nakayukong sabi ni Sinja. tumabi ko kay Ali at agad syang napalingon sakin, nakita ko ang bahagyang pamumula ng mukha nya. Napangiti ako.

Multo ka, Myco. Tigilan mo si Alicia.

Tila ba nawala ang ngiti ko sa naisip.

"Ay, magiistay ako dito kasi wala si Yaya Linda. Ayoko naman maging alone sa bahay." Nawala ako sa iniisip ng marinig ang sabi ni Marla. Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Sinja at bahagya kaming napatawa.

"Iho, ihatid muna." Tumango naman si Clyde, asan ang loyal? What the fuck.

Tiningnan ko naman si Ali kung anong reaction nya, pero bakit mukhang tuwang-tuwa pa sya?

Wala na ba syang nararamdaman para kay Clyde?

Eh, bakit parang gusto kong magdiwang?

"If it's okay with you, I'll drive you home."

Nakita namin ang panlalaki ng mata ulit nito at pamumula.

Hindi ba sya magseselos talaga at tumatawa lang sya?

"S-sure." Ngumiti yung Clyde na panget at napansin ko ang pagsisikuhan ni Marla at Ali.

"Shall we go?" Sabi ulit ni Clyde. Kinuha naman na agad ni Sinja yung gamit nya at bumeso kay Marla at Ali na kanina pa nakangisi.

What's with them? I really don't understand.

"Salamat, Tita. Babalik nalang po ako bukas. Bes, get well soon. Okay? Love you."

Pagkalabas nung dalawa, tumawa sila. Ano yun? Eh 'diba boyfriend ni Ali si Clyde?

In Love With A Ghost (COMPLETED)Where stories live. Discover now