CHAPTER 18:

1.1K 48 2
                                    

"Calamba Laguna."

Kung kailan ako nakatulog at nakuntento sa ayos tsaka sasabihing Calamba Laguna na, asan naman yung hustisya doon diba? Bumaba na ko ng bus at dumiretso sa pila-pilang tricycle, napahinto naman ako ng mag ring yung phone ko. Si Tricia.

"Hello?"

(Asan kana?)

"Sa tricycle na ko."

(Kinakabahan ako para sayo, Ali. Please, balik kana kaya?)

"I'll be fine, Tricia. Thank you."

(Kumain kana dyan, ha?)

"Yap, Thank you."

(Be safe, please.)

"I will."

*Toot. Toot. Toot.*

"Kuya, sa Canlubang po."

Pumasok na ko sa tricycle at inilabas ang sandwhich na dala ko, tumingin ako sa oras at mag aalas singko na ng hapon, samantalang umalis ako sa bahay ng 4 am. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa para kay Myco.

Flashback

"Nakikita mo ba sya?"

Bumalik ako sa inupuan ko kanina at tiningnan sya.

"Nakikita mo rin ba sya?" Umiling lang sya at tumingin sa librong hawak nya.

"Nakita kita sa room nyo kanina nung napadaan ako, may kausap ka. Akala ko baliw ka, pero sigurado akong may third eye ka. Ngayon na nalaman kong hinahanap mo si Clarisa, sigurado akong si Kuya Myco yon. Hustisya ba ang hinahanap nya?" 

Hindi ko alam kung anong isasagot ko, dapat ko bang sabihin sakanya?

"Hindi hustisya ang hinahanap nya dahil patay na si Trad---" 

"A-alam mong si Kuya ang pumatay kay Kuya Myco?" Tumango ako at nakita ko naman syang naiiyak, binubuka nya rin ang bibig nya at paulit ulit syang nag sosorry sakin. Niyakap ko naman sya at pilit na pinapatahan. 

"So, simula palang alam mo na ang kuya mo ang pumatay kay Myco?" Umiling naman sya, napakunot ang noo ko. Paano nya nalaman kung ganon?

"Tinatawag ko noon si Kuya sa kwarto nya pero naka lock, ilang beses akong kumatok pero walang nagbubukas. Pinakuha ko yung susi sa isa naming katulong at binuksan ang kwarto ni Kuya pero nagulat ako sa madaming gamot na nakakalat sa sahig sa hanggang paglingon ko... nakahiga si kuya at bumubula ang bibig, chineck ko sya kung may pulso pa pero wala na, tinawagan ko si Tita Lucy na pangalawang nanay na namin kung ituring. May mga pumuntang pulis at mga taong magiimbestiga sa kwarto ni Kuya para malaman kung bakit sya nagpakamatay, ayun, may natagpuan na letter, para sa amin at sa mga police. Inamin nya doon na sya ang pumatay kay Kuya Myco, nanghihingi sya ng tawad samin, nagulat kami noon ni Tita Lucy pero pinatawad din namin sya."

Nag iyakan kami pareho matapos nyang ipaliwanag sakin lahat.

"I will help you, just please. Be safe." Ngumiti ako sakanya at niyakap sya. 

Pagtapos non ay agad na kaming umuwi, umiyak sya ulit bago kami maghiwalay, pagdating ko ng bahay, dumiretso ko sa kwarto ni Mama at hinalikan sya sa noo pagtapos ay dumiretso ko ng kwarto ko at natulog sandali, nag alarm naman ako ng 3am para maka alis agad ako ng 4 dito, nag iwan naman ako ng messages para kay Mama.

End of flashback

Walang masyadong mga gusali, puro mga puno at mga bahay na di masyadong mga kalakihan. Meron din sa bandang doon na mga squater's area. Kapag nakakakita ko ng mga ganyan, nagpapasalamat ako kay God kasi kung tutuusin ang swerte ko. Maya maya pumasok kami sa parang maliit na eskinita, masyadong madilim dahil matataas ang mga punong nakapaligid dito. 

"Sir, talaga po bang dito ang daan?"

"Ha? Dito po yon eh."

Medyo kinabahan ako, paano kung may gawin syang hindi maganda sakin? Kinikilabutan ako. Jusko, wag sana. Maya-maya huminto na sya sa may squater's area. Bumaba na ko sakanya at nagbayad. Ang daming mga bata, naglalaro silang mga nakahubad, yung iba may dumi pa sa mukha, naagaw ko yata yung atensyon nila. Sakin sila lahat nakatingin, ako naman naglakad lang ng nakayuko. Saan ba dito? Lumapit ako sa isang babae na nakatingin sakin kanina pa mula pagbaba ko sa tricycle.

"Uh, hello po. Good afternoon."

"Anong kailangan mo?" Diretso nyang tanong, ang creepy. Kung nakakamatay siguro yung tingin, sigurado kong pinaglalamayan na ko.

"Saan po ba dito yung bahay nila Clarisa?"

"Sa may dulo. Dulong dulo, yung nag-iisang bahay doon. Magiingat ka baka hindi kana makalabas ng buhay dito." Napa atras naman ako sa sinabi ng matanda, grabe naman yon kung makapanakot. Napa kapit ako ng mahigpit sa bag ko. Ano ba 'tong pinasok ko?

Nagsimula ng magtayuan yung balahibo ko. Lumakad ako ng lumakad, ang dilim na. Kinuha ko yung phone ko at binuksan yung flashlight nito tsaka tinutok sa daan. Ang lakas ng hangin na dahilan ng pagsasayaw ng mga puno, tanging sign of the cross nalang yung nagagawa ko. Laking pasasalamat ko ng nakakita ko ng liwanag, tumakbo agad ako don at pinatay ko ang flashlight ng phone ko. Nang marating ko yung liwanag, isang bahay lang ang nandoon, malaki din sya na gawa sa kahoy. Halata dito ang pagkaluma ng bahay, doon napasign of the cross nanaman ako, sa panahong mga 'to. Sya lang matatakbuhan ko. Lumapit ako sa bahay na yon pero bago ko marating yung malaking pinto, kakatok palang sana ko pero bago ko pa man mabukas ay may nagbukas na babaeng nasa middle 40.

"Anong kailangan mo?" Tanong nya. Nakakatakot yung itsura nya, para syang pumapatay gamit yung mata...

"Ma, sino yan?" Rinig kong sabi at kasabay non ang paglabas ng babaeng, si Clarisa. Sya si Clarisa! Sya yung nasa panaginip ko, hindi ako nagkakamali. Buntis nga sya dahil nakita ko ang pakwan sa tiyan nya. Nagulat ako.

"Tita, sino yan?" Sabay labas din ng isang gwapong lalaki tsaka niyakap sa likuran si Clarisa pero napatigil din sila sa gulat. Nashock ata silang dalawa, what to do? Gusto kong umatras at tumakbo pero para bang naglue yung paa ko.

"G-gusto k-ko po sana m-makausap si Clari---"

*slam*

Sinaraduhan nya ko ng pinto, shit! Buntis nga si Clarisa? Sino yung yumakap sakanya? Dalawang tao namatay para sakanya tapos ipagpapalit lang nya? Damn it.

"Please, I'm begging you!" Kinatok ko ng paulit-ulit yung pinto, napa atras nanaman ako ng bigla nyang buksan yung pinto but this time, may hawak syang baril. Napa atras ako, kinakabahan ako. Ramdam ko yung bawat butil ng pawis na wala naman kanina. Nanlalamig ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, tatakbo? Wala kong laban. Natatakot ako, umuurong yung dila ko at napako yata ako sa kinatatayuan ko. Damn.

"Aalis ka o ibabaon ko yung bala nito sa mukha mo?!"

Itinapat nya yung baril sa mukha ko. Siguro katapusan ko na nga at kung eto na yon, siguro kaya na kong mahalin ni Myco... Ako kasi, mahal ko yata talaga sya. Hindi naman ako pupunta dito para isakripisyo yung buhay ko dahil sa wala lang. I take the risk because I love him. 

"H-hindi ako aalis hangga't hindi ko po nakakausap si Clarisa." Sinubukan kong hindi mapahinto sa bawat salita na binibitawan ko pero sa itsura palang ng baril na nasa harapan ko, gusto ko ng bumigay. 

Nagiging selfish na ba ko? Hindi ko na ba iniisip sila Mama? anong gagawin ko? Si Mama, hindi ko pwedeng iwan si Mama.

"Matigas din talaga yung ulo mo noh? Kawawang bata. Paalam."


*bang*

In Love With A Ghost (COMPLETED)Where stories live. Discover now