May nilapitan si Marla na babae. Umiiyak sya pero nung nakita nya si Marla, ngumiti sya. Sya yung babae sa panaginip ko na fresh men! Niyakap ni Marla yung Tricia. Ang gaganda naman ng lahi nila.
"Tricia, condolence. Ikinalulungkot namin yung nangyari." Malungkot na sabi ni Marla. Ngumiti naman yung Tricia.
"Nako, salamat." Sabi nya. Napalingon naman sya sa amin at ngumiti.
"Hi Tricia, condolence." Yumakap at bumeso din si Sinja kay Tricia tapos lumingon sya sa akin at ngumiti, hindi ko alam kung anong irereact ko dahil sya yung nakita ko sa panaginip ko. This is awkward but I smiled.
"Tricia meet Alicia, Alicia meet Tricia."
"Hi, nice to meet you. Condolence." Inabot ko yung kamay ko sakanya tapos inabot naman nya yun.
"Nice to meet you too, thankyou ah?" Ngumiti sya. Nalulungkot ako kasi kailangan nya parin ngumiti kahit na makikita mo sa mukha nya yung lungkot at pagod.
"Ma'am Tricia." Napalingon kami sa tumawag sa kanya.
"Eto na susunod na, yaya. So, mauna muna ko ha? Paalam nalang kayo kay Tita pag aalis na kayo. Salamat sa pakikiramay, guys." Nag wave kami ng kamay tapos napalingon ako sa kabaong na nasa harap namin.
Kaya naman pala ang daming nagkakagusto sakanya kasi ang gwapo nya, pero para sakin mas gwapo si Myco. Teka, bakit ko naisip na icompare sila? Bwisit. Kamusta na kaya yon? Iniisip ko kung natutulog ba sila? Kumakain ba sila? Nakakaramdam ba sila ng sakit? Emosyon? Andami ko ng napanuod na movies about ghost pero hanggang ngayon, hindi parin nasasagot yung mga tanong kong yan. Nakakita ko ng picture na nasa gilid ng kabaong ni Trade. Larawan ng tatlong bata. Yung babae nasa gitna tapos yung dalawang lalaki nasa magkabilang gilid. Ang saya saya nilang tingnan dito. Kamukha nung batang lalaki sa kanan si Myco. Alam kaya ni Myco na si Trade yung pumatay sakanya?
"Iha."
Si Tita Lucy pala. Ngumiti ako sakanya tapos ngumiti din sya.
"Etong nasa gitna si Tricia, yung kaliwa si Trade na mga pamangkin ko tapos si Myco na anak ko." Anak nya si Myco? Ramdam ko tuloy yung pag init ng mukha ko sa sinabi nya kanina na kung sakaling buhay pa si Myco eh bagay kami. Akala ko magkapatid sila sa Nanay. Magulo parin pero unti-unti ko ng naiintindihan. Alam kaya nila na ang pumatay kay Myco ay si Trade? Gusto ko sanang tanungin pero mas pinili ko nalang itahimik yung bibig ko.
"Asan po yung Mommy nila Trade?"
"Wala na din, kaya ako nalang na- aalaga sakanila. Una yung anak ko yung namatay at 'eto sumunod si Trade." Napayuko sya at ngumiti ng mapait. Hinawakan ko naman yung likod nya tapos ngumiti sya. Ngayong kilala ko na yung Mama nya, paano na gagawin ko sunod? Sasabihin ko na ba agad? Siguro, sasabihin ko muna kay Myco. Mukhang madali lang naman pala yung mission nya sa buhay kaya willing na kong tulungan sya.
Nakita ko si Sinja at Marla na sumesenyas na. Medyo late na pala.
"Tita Lucy uwi na po kami." Lumapit naman sila Sinja at Marla tapos bineso beso nya kami isa isa. Ganito ba yung buhay mayaman, uso yung beso?
Matapos naming magpaalam, dumiretso na kami ng uwi. Nagkwentuhan din kami pero medyo lutang talaga ko dahil sa mga nangyayari nitong mga nakaraan. Ano nga bang reason ng pagkamatay ni Myco? Walang may alam. Masyado bang private? Hindi kaya nag commit suicide sya?Nang makarating ako ng bahay, inaya ko silang magkape pero hindi na daw dahil pagod na daw sila. Pagpasok ko ng bahay, sarado na yung ilaw, ibig sabihin tulog na si Mama. Umakyat na ko ng kwarto ko tapos naligo tsaka ko kinuha yung laptop ko. Nag research ako sa site namin tungkol kay Trade pero walang lumabas kung paano sya namatay. Sunod naman akong nag research about kay Myco. Nalaman kong school president sya dati. Nakita ko rin yung mga awards nya na sobrang dami. Wow, full package. Ang dami ko naman nakita na mga confessions para sakanya. Nalaman ko rin na first girlfriend nya si Clarisa. Walang nakalagay dito na tungkol sa pagkamatay nya. Ang meron lang dito yung article sakanya na wala naman medyo information. Tinago ba nila? Napaisip ako, ako lang ba yung may alam kung paano sya namatay? Ako lang ba yung may alam ng buong kwento? Ano ba naman kasi 'tong pinasok kong gulo. Sumunod naman akong nagsearch tungkol kay Clarisa. Ang daming bashers na nag coconfess tungkol sakanya. Wala na kong iba pang nakitang information pwera sa isang bagay na nakita ko.
Calamba, Laguna.
Gotcha!
~.~.~.~
"I love you always. I always will."
Hinalikan nya ko sa noo, hinalikan nya ko sa kanang pisngi at hinalikan nya ko kaliwang pisngi.
"I love you most, you are my everything."
Sinandal ko yung noo ko sa noo nya, nagpalitan kami ng ngiti. Hindi ko maaninaw yung mata't ilong nya, hindi ko alam pero parang malabo. Tanging ngiti nya lang ang naaninag ko pati na rin yung maninipis nyang labi at mapuputi nyang ngipin. Papalapit na papalapit na sya sakin, nakatingin sya sa mga labi ko, napakagat pa ako sa labi ko, papalapit na sya...
YOU ARE READING
In Love With A Ghost (COMPLETED)
ParanormalHighest Ranking #13 in Paranormal PROLOGUE What if you fell in love with unexpected person in unexpected time? What will you do? Do you follow your love in eternal life? Do you move on because life goes on? --- "Happiness is Love." ...