CHAPTER 14:

1.2K 55 3
                                    

Pagkatapos nyang kumain, humiga sya. Ano ba' tong babaeng to? Kakain palang hihiga na agad.

"Oy, Ali bawal humiga pag kakain lang. Tumayo ka dyan."

Babatuhin ko na sana sya pero nakita ko syang nakapikit na. Lumapit ako sakanya tapos kumuha ko ng malinis na kurtina sa 4th floor tapos pinatong ko sa hita ko tsaka ko sya pinahiga don.

Napatingin ako sa mukha nya. Hinawi ko yung buhok nya na nakaharang sa mukha nya. Yung mata nya, black na black. Yung labi nya ang pula na manipis. Parang... gusto ko nalang sya lapitan tapos halikan. Ano bang pinag-iisip ko? Hindi ko na makontrol yung mga nasa isip ko. Mali eh. Maling mali. Inihiga ko si Ali sa sahig na may sapin naman na kurtina tapos umalis ako don. Umakyat ako ng rooftop. Madilim na pala. Tumingin ako sa mga stars, may city lights din sa ibaba. Ang gandang tingnan.

Napapaisip ako, ano pa ba yung mission ko? After ba na masigurado ko na okay si Mama at Ali, makakaakyat na ba ko? Matatahimik na ba ko? Posible kayang mahulog ako kay Ali? Posible ba na mahulog ang isang multo sa isang tao? Kung sakali ba, masusuklian ba ni Ali yon? Siguro hindi. Sino ba naming magkakagusto sa multo na alam mong mawawala din sayo. Kung buhay kaya ko, makikilala ko pa kaya sya? Kung buhay pa ba ko, pwede ba nya kong mahalin?

"M-myco."

Lumingon ako sakanya, ngumiti naman ako.

" Gising kana pala."

"Oo, pasensya na. Hindi mo kasi ko ginising eh."

"Ang himbing kaya ng tulog mo. Teka, paano mo nalaman na nandito ko?" Sumenyas ako na umupo sya sa tabi ko. Sumunod naman sya. Pareho kaming nakatingin sa mga langit. Si Clarisa hindi nya ko masamahan sa mga gantong star gazing kasi lagi nyang sinasabi na ang corny daw. Bakit kay Ali, hindi naman?

"Hindi ko rin alam. Dinala ko ng mga paa ko."

Tumingin ako sakanya, nakita ko syang nakangiti habang nakatingin sa stars. Ang ganda ng gantong view. Isang babaeng maganda tapos stars. Nakailang ngiti na ba ko sa araw na 'to?

"Gabi na. Umuwi kana. Ihahatid kita."

Nakita kong bigla syang nataranta ng nakita nya yung relo nya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi na late na?!"

"Sorry na." Narinig ko syang nag buntong hininga tapos sabay na kaming bumaba ng building.

"Sa bahay nyo na kita ihahatid, madaming masama sa tabi-tabi." Sinamaan nya ko ng tingin kaya natawa nalang ako.

Sakto na paglabas namin ng old building, wala yung guard kaya dali dali kaming tumakbo sa gate tapos lumusot lang ako. Sya naman, natataranta habang nasa loob. Gusto kong matawa pero yung mukha nya mukhang pikon na pikon na.

"Umakyat ka!"

"Ano? No way!"

"Ayan na yung guard!" Pagkasigaw ko non ay dali dali syang umakyat tapos hindi ko na napigilan yung tawa ko kaya natawa na ko, yung pagbagsak nya naman, tumama yung pwet nya kaya mas lalong lumakas yung tawa ko.

"Ang sakit, bwisit ka!" Tawa lang ako ng tawa, maya-maya natawa na din sya sa sarili nya. Sabay kaming tumatawa habang tumatakbo pauwi ng bahay.

"Bilisan mo, lagot ako kay Mama!"

Matapos ng takbuhan namin, huminto kami sa isang bahay na di gaano kalaki pero kitang-kita mo sa labas yung malinis na paligid. Pumasok kami don tapos sumunod naman ako, namangha ako. Hindi ganon kalaki yung bahay pero sobrang linis at ganda sa loob.

"Ma, andito na po ako. Ma--- Mama!" Nataranta ko sa pag sigaw ni Ali kaya agad ko syang sinundan, tumakbo ako palapit sakanya at nakita ko yung tinatawag nyang mama na nakahiga sa sahig, gusto ko man syang tulungan pero hindi ko naman sila mahawakan dahil tanging bagay lang ang nahahawakan ko.

"Anak, nahilo lang ako." Tinulungan nyang makaupo sa sofa yung nanay nya tapos pinainom nya ng tubig. Namimiss ko na si Mama. Kamusta na kaya sya?

"Sure ka ba, Ma? Gusto mo patingin ko kayo bukas sa doctor?" Tanong ni Ali sa Mama nya.

"Ano ka ba, nahilo nga lang ako anak. Kumain kana ba? Bakit ka pala ginabi ng uwi?" Napatingin naman sakin si Ali sa sinabing yon ng Mama nya. Ngumiti nalang ako at inirapan lang nya ko.

"Pasensya na po, may ginawa lang. Halika na Ma, samahan ko na muna kayo sa kwarto nyo." Umakyat ng taas si Ali kasama yung Mama nya. Hindi nya medyo kahawig yung Mama nya. Lumibot ako sa sala nila, ang ayos. Naalala ko tuloy kung paano ako sermunan ni Mama sa tuwing may kalat sa sala namin. Sana pala hangga't maaga pa, sinunod ko na sya. Nakakita ko ng isang picture frame sa pader nila. Isang larawan ng masayang pamilya. Solong anak pala sya. Kamukhang kamukha nya yung tatay nya. Nasaan na kaya yung tatay nya?

Nagulat ako ng tinakpan nya ng kamay nya yung frame tapos lumakad sya papuntang kusina kaya sumunod naman ako. Nagsimula naman na syang kumain. Ang cute nya kumain.

Nakailang compliment na ba ko sakanya? Kota na sya, ha.

"Matunaw ako nyan."

"Ang kapal naman ng mukha mo, may kanin ka lang sa labi." Mukhang naconcious naman sya sa sinabi ko kaya natawa nalang ako. Lumapit naman ako sakanya tapos nakita ko syang namula. Hala, bakit? Ay teka, diba pag namumula yung mga babae, kinikilig?

"You're blushing."

"Ano?! Ang assuming mo naman." Natawa nalang ako tapos napangiti.

Mali eh. Mali.

In Love With A Ghost (COMPLETED)Where stories live. Discover now