Chappy Six

1.4K 29 1
                                    

ThirdPersonPOV:


Saturday morning maagang nagising ang mag-asawa dahil pareho silang may trabaho kaya naman bumangon na sila mag-luto na ng breakfast. Then after nun naligo na sila dahil baka ma-late pa sila naunang natapos si Gabby kaya naman lumabas na sya sa walk-in closet nila at sakto naman na bumukas ang pinto nila at tumambad sa kanya ang papungas-pungas pang bata at naghihikab pa.


Gabby: Good morning Angel ^_^


Masayang bati ni Gabby dahil nakyutan sya sa itsura ng anak nya lalo't na suot na naman nito ang malaking t-shirt nya.


Jade: Good morning daddy


Lumapit sya kay Gabby at niyakap nya agad ung bewang ni Gabby kaya napangiti na lang si gabby at niyakap nya ng pabalik si Jade.


Gabby: Aga mo magising aah.


Jade: You know naman daddy na maaga talaga gumigising.


Tumingala sya kay Gabby kaya naman nginitian nya ulit ung anak nya.


Gabby: If I know excited ka lang kasi dadating si tita Raffy mo. =D



Jade: *Yakap ulit dahil nahuli sya ng Daddy nya* Dad


She said in her most whining voice kaya naman napatawa si Gabby dahil tama ang hinala nya.


Gabby: Haha halika na nga kain na tayo ng breakfast.


Jade: May swiss-miss daddy?


Gabby: Syempre meron ^_^


Natuwa naman si Jade kaya naman hinatak nya palabas ng kwarto si Gabby kaya natawa lalo si Gabby. Pero bago pa man tuluyan makalabas ng kwarto si Gabby tinawag na nya si Skye na nasa loob pa rin ng walk-in closet nila.


Gabby: *malakas ang boses* Baby! Bilisan mo para di tayo ma-late.


Skye: *nilakasan ang boses* OK!


And with that tuluyan ng nagpahila si Gabby kay Jade at nagpunta na sila sa kitchen then nag start na silang kumain. Nasa kalagitanaan sila ng breakfast ng may nag-doorbell kaya naman nagkatinginan si Gabby at Jade parang nag-uusap na kung sino magbubukas ng pinto.


Jade: Ako na lang Daddy. Tamad ka kasi minsan eh. ^_~


Napanga-nga naman si Gabby sa sinabi ng anak saktong pumasok si Skye sa kitchen at narinig nya ang sinabi ng anak nya sa asawa nya kaya pinagtawanan nya ung reaction ni Gabby.


Skye: Lovey wag ka ng magtaka jan. Haha totoo naman sinabi ng anak mo eh haha


THE FAMILY (Private Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon