second months

727 14 0
                                    

ThirdPersonPOV



Gabby: Jade fix your things na.

Sabi ni Gabby habang kinukuha ang ibang papers na nagkalat sa sahig tinulungan kasi nyang gumawa ng project si Jade.

Jade: yes Daddy *Tayo then kiss sa cheeks ni Gabby* Thank you din po ^_^

NApangiti na lang si Gabby at nagpatuloy sa pagliligpit. Nadatnan naman sila ni Skye.

Skye: Gabby tapos na ba si Jade?

Gabby: yes why?

Skye: Pwede tabi kami matulog ni Jade?

Gabby: Bakit naman?

Skye: Ayaw kitang katabi

NApakunot naman ang noo ni Gabby sa sinabi nito kaya napatigil sya sa ginagawa nya.

Gabby: At ano na naman ang ginawa ko huh?

Skye: Basta ayaw kitang makita at ayaw kitang maamoy. Naiinis kasi ako sayo. Kanina natutuwa ako pero ngayon naiinis na ako kaya please pumayag ka ng si Jade ang katabi kong matulog *puppy eyes*

Napailing na lang ng ulo si Gabby at wala ng nagawa sinunod na lang nya si Skye kesa mapunta pa sa away ang usapan nila.

Gabby: Jade mag shower ka na at dun ka matulog sa kwarto namin ni mommy mo.

Jade: Ok daddy

And with that umakyat na sila sa kwarto para mag shower. Pagkatapos ni Gabby mag shower lumabas na agad sya ng kwarto nila para pumunta sa office room nya tutal may sofa bed naman ung sofa nya dun and may tatapusin pa syang paper works kaya dun na sya matutulog. Pagpasok nya sa office room nya ni-lock na nya ang pintuan then nagtatrabaho na pagkatapos ng dalawang oras natulog na sya.


Kinabukasan...


Skye: Jade alam mo ba kung san natulog Daddy mo?

Jade: Hala mommy sabi mo wag tatabi si Daddy sayo tapos ngayon tinatanong mo ako kung san natulog si Daddy.

Skye: Alam ko un pero nasan un? *pout* namimiss ko na daddy nyo

Jake: Hala baka nangapitbahay si Dad

Jace: *bato ng tissue* Baliw!

Jake: Haha joke lang un siyempre

Then maya-maya lumabas na si Gabby na naka-ayos na rin dala ang traveling bag nya at laptop.

Gabby: Alis na ako...

Napatayo naman si Skye dahil sa sinabi ni Gabby na di nya maipaliwanag kaya napaiyak na lang agad sya.

Skye: Lalayasan mo na kami? Parang sinabi ko lang na naniinis ako sayo tapos lalayas ka na!!! *umiiyak pa rin* Sige lumayas ka wag ka ng babalik! *walk out*

Nagkatinginan naman ang mag-aama then natawa na lang. Gustuhin man na amuhin pa ni Gabby si Skye pero late na sya sa flight nya kaya sa pagbalik na lang nya aamuhin ang asawa nyang moody.

Gabby: Ung mommy nyo minsan di ko alam kung naglilihi pa ba un o nababaliw na.

Jade: Haha daddy kanina nga namimiss ka nun tapos ngayon pinapalayas ka na haha

Jace: Anyway dad san ka po ba pupunta at may dala kang bag?

Gabby: Oo nga pala may business meeting ako kaya kayo muna bahala sa mommy nyo huh. Tawagan nyo ako pag may problema.

Jake: Ok po Dad.

JAde: Bye Daddy

Umalis na si Gabby at iniwan na ang mag-iina nya binilin rin naman ni Gabby sa nanay nya ang asawa't mga anak nya para naman may tumingin pa rin sa kanila habang wala sya.


After three days....


Skye: Nilayasan na talaga tayo ng Daddy nyo!

Jade: Haha mommy di naman lumayas si Daddy. Sinabi na namin sayo yan diba?

Skye: Bakit tatlong araw na di pa rin nagpaparamdam daddy nyo?

Jake: Mommy uuwi rin si Daddy kaya relax ka lang jan ok. Baka mapano pa si baby remember bawal ka maistress.

Jace: oo nga mommy kaya relax lang

Then pinagpatuloy nilang kumain ng dinner nila tapos nun nagkanya-kanya na silang pasok ng kwarto then mga hating gabi na nakauwi si Gabby sa bahay nila. Pagpasok nya ng kwarto nila tulog na si Skye katabi si Jade kaya dahan-dahan lang syang kumilos para di nya magising mag-ina nya. Nasa walk-in closet na sya nag-aayos ng gamit nya.

Skye: Oh buti naisipan mong umuwi pa?

Gabby: Matulog ka na Margaret

Skye: San ka ba galing?

Gabby: bukas na tayo mag-usap gabi na oh.

Skye: No! maguusap tayo.

Gabby: Singapore. Kaya matulog ka na maaga pa ako bukas.

Skye: Masaya ka pa ba sa akin?

Napatigil si Gabby sa pag-aayos ng gamit nya dahil na-sense nyang seryoso si Skye.

Gabby: Anong klaseng tanong yan Margaret kung hindi na ako masaya sayo edi sana pinalitan na kita. Pero hindi kasi mahal kita dahil ikaw nagbibigay ng kakaibang saya sa buhay ko kaya please wag mo na akong tatanungin nyan dahil ang sagot ko palagi masaya ako sayo at hinding-hindi magbabago un. Ok na po ba? Kung oo matulog ka na masama sayo ang magpuyat.

Di sya nakakuha ng sagot but naramdaman na lang nyang niyakap sya ni Skye kaya napayakap na rin sya.

Skye: Sorry kung pinapahirapan kita. Naiintindihan mo naman ako diba?

Gabby: Normal lang naman to kasi buntis ka kaya ok lang sa akin kung anuman gawin mo, sabihin mo o kung anu man yan. *hawak sa mukha ni Skye at pinunasan ang tumulong luha* I love you blue

Skye: I love you most *kiss sa lips ni Gabby*

Gabby: *yuko sa ka-level ng tiyan ni Skye* And I love you too my baby. Ikaw wag mo masyadong pinapahirapan si Mommy mo huh. *himas sa tiyan sabay kiss* I love you


THE FAMILY (Private Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon