Babalikan ka

78 2 0
                                    

Sabi nila, pag mahal ka daw babalikan ka.

Dati hindi ako naniniwala dyan eh.
Kasi diba "Pag mahal ka, hindi ka iiwan."
Pero naisip ko si Daddy...
Seaman siya at iniiwan niya kami ni Mommy para sa trabaho niya.
Pero kahit ganun bumabalik siya....

Doon naisip ko na.... hindi pala sa lahat naaapply ang salitang pag mahal ka, hindi ka iiwan.

Kasi yung mga OFW,... iniwan nila yung mga pamilya nila para suportahan ito sa mga pangangailangan nila at ipakita ang pagmamahal nila malayo man sila.

Pero kahit ganun, bumabalik sila.

Kasi nga pag mahal ka, babalikan ka.

Ako, nasabihan na ako niyan. Pero wala siyang sinabing mahal niya ako.
Ang sinabi niya lang ay babalikan niya ako.
Pero di na ako naniniwala na tutuparin niya pa yung sinabi niya.

Kasi Pitong taon na ang nakalipas ni anino niya hindi pa rin bumabalik.

"Good Morning Everyone! My name is Nadya Minerva C. Sanchez. I'm 9 years old! My mom is a businesswoman while my dad is a seaman. In the near future I want to be a businesswoman, like my mother."

"Very good Ms. Sanchez! Next, introduce your self Ms. Smith."

Bumalik na ako sa upuan ko. At tumayo naman yung katabi ko.

"Hi I'm Moira Smith. 9 years old and I want to be a Model someday."  sabi niya tapos ngumiti siya sa amin.

Pagbalik niya sa upuan niya, bigla siyang nagsalita.

"Akala ko kanina, ang gusto mo paglaki eh magmodel din. Sayang ang ganda mo pa naman."

Napatingin naman ako sa kanya, nakatingin siya sa loob ng bag niya. Parang may kinukuha siya.
Sinong kinakausap niya?
WEIRD

Hindi ko na lang siya pinansin.

After kaming i-dismiss ng teacher namin ay agad akong tumayo sa upuan at kinuha ang mga gamit ko. Dire-diretso ang lakad ko papuntang Canteen para maglunch, pero napahinto ako nang maramdamang may sumusunod sa akin.

Paglingon ko nakita ko yung seatmate kong si Moira.

"Uh hi! Pwede ba ako sayong sumabay? Ano, kasi eh, bago lang ako dito. Kaya baka maligaw ako sa school." nahihiyang sabi niya

"No problem! Ok lang sa akin." sabi ko sa kanya

Simula noon naging close ko na si Moira. Siya yung una kong kaibigan.
Mailap kasi ako sa mga tao kasi pakiramdam ko ginagamit lang nila ko.
Pero simula nung naging kaibigan ko si Moira dumami na rin yung mga kaibigan ko at pakiramdam ko mabubuti naman sila.

"Nadya! Nadya!"

"Bakit?"

"May ipakikilala ako sayo, bagong kaibigan. Dali!" excited na sabi ni Moira.

Wala naman akong nagawa kundi ang sumama sa kanya.

"Moira, asan na ba yung pakikilala mo ha?"

Kanina pa kami naglalakad pero hindi ko pa nakikita yung ipakikilala niya.

"Chill, ayun na siya oh! HAYYYMMMEE!"

Napatakip ako sa tenga sa sobrang lakas nang sigaw niya

Napatingin ako sa lalaking tinawag niya. Nakangiti ito at kumakaway pa sa amin,... Cute siya.
Pero teka..

"Moira ,alam mo namang mailap ako sa mga lalaki diba? bat ipapakilala mo ko sa kanya?" bulong ko kay Moira

"Alam ko namang mailap ka sa mga lalaki, kaya nga  ipapakilala ko siya sayo eh. Ano ka ba Nadya, hindi nangangain ang mga lalaki. Tsaka ok yan si Hayme. Iba siya, hindi siya makulit promise."

Pag Mahal Ka,...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon