Enjoy Reading :)
Louie POV
"Wala ng pero pero please?" pagmamakaawa ko, kailangan nyang iwasan si tristan dahil kung hindi, hindi nya alam ang kaya kong gawin
"sige" yess, sabi ko na eh, papayag yan eh best friend ko eh malakas ako sa kanya "but promise me, you will never hurt him" tumango ako at niyakap syang mahigpit 'hindi ako makakapagyag na agawin mo sya, tristan, ako muna ang makakalaban mo'
"minha, pwede bang dito muna ako matulog?" sabay puppy eyes at pout
"oo sige, ihahanda ko lang yung guest room" sabi nya at tumayo para umakyat papuntang guest room
"magiging akin karin minha, balang araw" bulong ko sa sarili ko ng makaakyat na sya, pumunta muna akong sala at tinurn on ang tv, ano kaya ang magandang palabas ngayon? Nag hanap ako ng mga cd's nya sa ilalim ng tv, halos puro anime, otaku talaga tong best friend ko, hindi na nagsawa kakanood, may nakita akong isang horror na cd "alam kong matutuwa sya dito, pareho naming favorite ang horror eh" bulong ko at napangiti
"louie, magpalit ka muna ng damit, meron akong ilang damit ni daddy dito," umakyat ako para puntahan si minha, "suot muna to oh" niyakap ko sya bigla "lo-louie?" natatawang sabi nya
"salamat minha, salamat tinanggap mo parin ako" lambing nasabi ko
"syempre naman, best friend kita eh" sabi nya at humiwalay sa yakap ko
"best friend lang?" malungkot na sabi ko
"huh?" gulat na tanong nya
"ahh hahahaha wala, hehe sige mag bibihis na ako" mabilis pa sa alaskwatro ang pagbihis ko at bumaba na "minha?" walang sumasagot "ang bilis naman nyang makababa" bulong ko sa sarili "minha?" paguulit ko
"boooooooo"
"ay tae" sigaw ko "ano ba minha, muntik akong maatake sayo" kasi naman, sobrang puti ng mukha nya, parang nilunod nya ang mukha nya sa polbo
"hahahahahahaha, yung reaksyon mo kasi, hahahahahaha"
"wag mo kong tatawanan, hahalikan kita" pero
"hahahahahaha," halos hinahawakan nya na ang tyan nya, lumapit ako at BOOM, nakita ko yung reaksyon nya sa mukha nya, parang nakakita ng multo sa sobrang gulat, hinalikan ko lang naman sya, yan ang ayoko eh, tinatawanan ako,
"sabi ko naman kasi sayo ayoko ng tinatawanan" sabi ko at inalis ang mga nakaharang na buhok sa mukha nya, "halika nga, alisin ko yang polbo mo sa mukha," sabi ko at nag hanap ng wet tissue, kailangan pati wet tissue anime ang pabalat? Hayyyy mga otaku addict nga naman, pinunasan ko ang polbo sa mukha nya, nakatitig lang sya sa mga mata ko, hanggang ngayon gulat na gulat parin sya sa ginawa ko, so ako ngayon ang nakakuha sa first kiss nya, bwahahahaha, "baka malusaw ako sa kakatitig mo sa mga mata ko" napabaling naman agad ang tingin nya sa side, hawak hawak ko ang baba nya dahil pinupunasan ko pa ang mukha nya, isang katahimikan ang nababalot sa aming dalawa, pero binasag nya iyon
"kumain ka na ba? Meron dyang pagkain?"
"kumain na ako bago ako umalis ng hospital, oo nga pala, may atraso ka sa akin, hindi mo man lang ako dinalaw" *pout
"ahhh hahaha, kasi may nagpanggap girlfriend ka na dumalaw sayo" huh? Girlfriend? Sino? Wala naman akong nililigawan eh 'bobo, nagpanggap nga diba?' hahaha natawa nalang ako sa sarili ko
"sino daw yun?" napatigil sya sa pagtawa, bakit kaya? Anong ginawa sa kanya ng babaeng yun, akala nila hindi ako pumapatol sa babae,
"si...si jenna" nagulat ako na natatawa, pero bakit nya naman sasabihin yun eh pamangkin ko yun?
BINABASA MO ANG
Love Triangle
Fiksi PenggemarSya si minha Suarez isang mabait at magandang bestfriend ng campus hearthrob na si louie castro, magkababata silang dalawa, si louie ay may tinatagong lihim na hindi nya masabi sa kanyang bestfriend dahil baka layuan nya ito, dahil takot umamin si l...