Chapter Sixteen
7 days later
Andito na kami ngayon sa bus, at syempre dito kami sa pinakamataas at pinakadulo ng bus
Magkatabi si tristan at si angela, si angela ang nasa dulo at si tristan naman ay pangalawang dulo, kasunod ni tristan ay si louie at ang kasunod naman ni louie ay si......
Ako
Ang katabi ko naman ay si blake
Bali gitna ako sa kanila, si monica ayun busy sa boyfie nya
Last week napakaraming nangyari, nagbati si blake at louie, umalis naman si terrence, ang totoo nyan ayaw talagang umalis ni terrence dahil gusto nya pang abutan ang camping pero wala syang magagawa dahil kailangan nyang umalis kaya ang kapalit nalang daw nya ay si blake
Maayos din ang date namin ni blake nun, masaya kami at ang dami naming ginawa, bumili kami ng human size na teddy bear sa blue magic, at naglaro din kami sa time zome, ang saya lang lalo na yung nagbasket ball kami, ako pa ang nanalo,
"ngiting ngiti ka dyan" sabi ni blake
"wala, may naalala lang ako" sabi ko at sumandal sa balikat nya, agad naman nya akong inakbayan, napatingin ako sa katabi ko, si louie deretso lang ang tingin nya habang nagbabyahe
"ano na naman ang naalala mo? yung date natin?" tanong nya
"oo, alam mo ang saya saya ko kapag naaalala ko yun, para na akong puputok sa sobrang saya, kulang na nga lang mapunit na ang labi ko sa sobrang lapad ng ngiti eh" pagkukwento ko
"kapag ngingiti ka nga parang malungkot ka eh kasi yung labi mo hindi magawang bumuka ng napakalaki hahaha"
"che, porque kasi mas marami kang nakain kahapon sa movie, hindi mo ko tinirhan ng pop corn" sabi ko sabay siko
"diba sabi ko sayo wag ka ng bibili ng pop corn, kasi ako rin naman ang uubos"
"oo alam ko po boss, dati pa,,," sabi ko sabay irap
"i brought some chips here, do you want baby?"
"iwww baby,"
"e anong gusto mo? honey?"
"baby nalang, hindi naman tayo magasawa eh"
"soon palang" sabi nya at kumindat
"hahaha, soon? Ang bilis naman ata ng soon mo?" sabi ko sabay tawa
"syempre, gusto na kitang angkinin eh" sabi nya
"che, kunin mo nalang yung dinala mong chips at subuan ako" sabi ko at niyakap sya
"as you wish baby" sabi nya at ninakawan ako ng halik
Pagkakuha nya ng mga chips ay binigyan nya rin ang mga kaklase ko
"nagkasya lahat yan sa bag mo?" tanong ko
"yup, ginawa ko silang sardinas hahaha"
"loko ka talaga, tapos pamimigay mo lang" sabi ko at pinalo sya sa braso
"be kind to animals" bulong nya
"loko ka talaga, ang sama sama mong tao" sabi ko "subuan mo na nga lang ako" sabi ko at sumandal ulit sa dibdib nya, at inakbayan nya ako habang hawak hawak nya doon ang chips na kakainin namin
"say ahhh baby" sabi nya kaya naman ngumanga ako at sinubo yung chips
Louie POV
Konting tiis lang louie, tiisin mo lang ang mga kalambingan nila, konting panahon nalang yan, saglit lang yan
BINABASA MO ANG
Love Triangle
FanfictionSya si minha Suarez isang mabait at magandang bestfriend ng campus hearthrob na si louie castro, magkababata silang dalawa, si louie ay may tinatagong lihim na hindi nya masabi sa kanyang bestfriend dahil baka layuan nya ito, dahil takot umamin si l...