Chapter Ten

2 0 0
                                    


Chapter 10

6:58pm

Louie POV

Sana hindi ko nalang nakita yun...

Sana wala nalang ako nun...

Nagsisisi ako...

Wrong timing...

Bakit nakita ko pa yun?

Bakit nakita ko pang hinalikan ng kapatid ko si minha

Teka... bakit ba nagkakaganito ako,

Bestfriend lang naman ako diba?

Pero bakit ganito ako masaktan...

Masakit...

Masakit sa puso..

Nacocornyhan ba kayo?

Ganito ako magdrama.

"oh louie, andito kana pala" dinig kong sabi ni mama

"ahh andito ako ma, para sunduin si minha, kaso mukhang busy sila ni terrence" sabi ko at tumalikod

"louie" napalingon ako sa tumawag sa akin

"kanina pa kita hinihintay" dagdag nya ng makalapit sa akin

She's wearing a white floral dress and a white floral flat shoes

"ganun ba? Akala ko busy kayong dalawa ni TERRENCE" bigla syang namula

"ahhh, sorry louie" sabi nya at yumuko

"tsk. Tara na nga, ma sabay kanalang kay rence, mauna na kami ni minha" sabi ko at hinila si minha

"to pasalamat ka hindi ako nakaheels, kundi kanina pa ako nasubsob, dahan dahan ka naman louie," sabi nya na halatang naiinis na

"nagmamadali tayo eh" inis kong sabi at padabog syang pinapasok sa kotse ko

"ano bang problema mo?" tanong nya

"ikaw... ikaw ang problema ko" sigaw ko at ginulo ang buhok ko

"paanong naging ako? May nagawa ba akong mali?" halos nagsisigawan na kami dito sa loob, konti nalang mababasag na ang salamin sa loob

"diba sabi ko hintayin mo ko... hintayin mo kong gumawa ng paraan para hindi kana ligawan ni terrence?" bigla syang nanahimik "ano, sinagot mo na ba sya? ganun ka ba ka EASY TO GET huh" sigaw ko na halos mabingi na sya

"ganyan ba ang tingin mo sa akin? Bestfriend pa naman kita tapos yan lang maririnig ko sayo" sabi nya habang umiiyak

Binuksan nya ang pinto ng kotse ko at lumabas, lumabas din ako pero huli na dahil nakatakbo na sya

"louie, anong nangyari?" tanong ni tita, ang mama ni minha

"tita hindi ko po sadya na sigawan sya" natatarantang sabi ko

"anong hindi sadyang sigawan? Bakit mo sya sinigawan?" kalmadong tanong ni tita

"what's happening here?" biglang sulpot ni mama at ni terrence

"tita, im sorry nadala lang ako ng galit ko" sabi ko

"then find her louie" sabi ni tita

"anong find her? Sinong nawawala?" natatarantang tanong ni terrence

"si minha, rence find her, magtulungan kayo" natatarantang sabi ni mama

"may the best man win bro" bulong ni rence at umalis na,

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon