Enjoy Reading :)
Nagising ako dahil may naamoy akong mabanggo sa kusina, si mama talaga mabango mag luto eh, teka bakit nakahiga ako sa couch, diba kasama ko lang si tristan kanina? ahh baka umuwi na, tumayo ako at dumeretso sa kusina
"mama ang banggo nam--" nagulat ako sa nakita ko "tri- tristan?" nauutal na sabi ko "anong ginagawa mo dito?" tanong ko
"ahh hehe, nagluto lang ako, hinihintay kasi kitang magising eh, oo nga pala pinagluto kita ng dinner mo" huh? dinner ko? gabi na ba? tinignan ko ang wall clock namin, 8:31pm
"sorry tristan kung natulugan kita kanina sa sasakyan mo, tapos pinagkamalan pa kitang nanay ko" napayuko ako
"ahh hehe okey lang yun" sabi nya
"wowww, yung favorite ko" sabi ko sabay punta dun sa niluluto nya "paano mo nalaman?" nagulat sya ng humarap ako
"ahh hehe, actually favorite ko rin yan eh" sabi nya, wow pareho pala kami ng favorite
Tristan POV
'check number three' sabi ko sa isip ko, gumawa kasi ako ng mga steps na gagawin ko para mainlove o mapunta sa akin si minha
1. Pumorma
2. Lambingin sya
3. Alamin ang favorite ulam nya
4. Alamin lahat ang tungkol sa kanya
5. Like lahat ng mga pinopost nya sa fb, at mag comment ng 'cute cute mo naman sa pic mo' or 'ganda ganda mo talaga'
6. Laging itetext at icacall (di baleng maubusan ng load makausap lang sya)
7. Stalk her
8. Hatid sundo sa school (wala akong paki kay louie)
9. Yayain mag lunch sa school, yayain mag date or lumabas
10. (at higit sa lahat) agawin sya mula kay louie
"tara kain na tayo" aya ko sa kanya, tumango lang sya at inalalayan ko pa syang umupo,
"selfie tayo" sabi nya at kinuha ang phone nya sa may bulsa nya, ngumiti ako na napaka tamis at inakbayan pa sya, alam kong nagulat sya pero hinayaan nya nalang yun "anong pangalan mo sa fb?" tanong nya
"ahh tristan Ocampo" sabi ko
"add kita sandali ah bago ko ipost para matag ko sayo" sabi nya at umupo "yan, confirm mo muna ako" sabi nya kinuha ko naman ang phone ko at nag online, nakita kong inadd nya ako, pero bago yun iniscreen shot ko muna, 'watch me louie, i'll make sure that your bestfriend will be mine' sabi ko sa isip ko "yan pinost ko na, at natag ko na sayo" sabi nya, pinost ko rin yung iniscreen shot ko
'look Merong nag add sa akin na chix oh' post
"kain na tayo, baka lumamig pa eh" aya ko, pinauna ko muna syang kumain bago ako. Ang ganda nyang tignan habang kumakain
"hmmm ang sarap naman ng niluto mo, umamin ka nga, chef ka ba?" natawa ako sa huling sinabi nya
"hindi, namana ko lang yan sa lola ko, yan kasi ang favorite ko kaya pinag practice ko talagang lutuin yan simula bata pa ako" paliwanag ko sabay ngiti ng napaka tamis "oo nga pala, nasaan ang parents mo?" tanong nya
"ahh nasa ibang bansa, business trip nila" sabi nya na para bang nalungkot
"don't worry, andito naman ako eh" nagulat sya sa sinabi ko "i mean, habang hindi pa magaling si louie, bilin nya kasi sa akin yun eh" napatango tango nalang sya, buti nalang nakaisip ako agad kundi baka agad nyang mabuking na may gusto ako sa kanya "kailan uuwi ang parents mo?" tanong ko
BINABASA MO ANG
Love Triangle
FanfictionSya si minha Suarez isang mabait at magandang bestfriend ng campus hearthrob na si louie castro, magkababata silang dalawa, si louie ay may tinatagong lihim na hindi nya masabi sa kanyang bestfriend dahil baka layuan nya ito, dahil takot umamin si l...