My Tragic Love

23 0 0
                                    

Isang araw siya ay aking nakilala
Di ko akalaing sa isang ngiti niya ako'y napatulala
Isang lalaking simple kung tutuosin
Ngiti nya nakakapansin

Nandito kami sa tila paraiso
Beach resort na di mapantayan ng piso
Magkakaibigan kami'ng naisipang magbakasyon
At hito'y aking nakilala ang aking Crush ngayon

Crush ko na siya
Di ko alam 'tong nadadarama,parang ang saya.
Pero tila di ko dama
Sapagkat may iba siyang kasama

Nandito ako sa malayo
Tinitignan siya'ng nakatayo
Napagpasyahan kong siya'y aking lapitan
Pero ako'y nabigla,may babaeng hinila siyang sapilitan.

Ako'y nasaktan.
Lumayo ako doon baka ako'y mapagkamalan.
Magka-iba kami ng patutunguhan
Umiiyak ako't natauhan

Bumalik ako sa kwarto
Iniisip siya habang nakadekwatro
Sana bukas kami magkita
Nang siya'y aking makilala at di na isip ay malito pa sinta

Kinabukasan trip naming magbabarkada ang magenjoy
At ito kami ngayon lumalangoy
Di ko mawari sa aking isip nasaan na kaya siya?
Di ko maisip na sa isang bakasyon matatagpuan ko ang saya.

Nahagip ng aking mata ang isang lalaking may kasama
Ako'y nasaktan sa aking nakita,loob ko'y sumama
Napagtanto ko na para akong nahihilo
Ako'y umahon sa tubig at tinungo ang aming pasilyo.

Sa aking paglalakad naisip ko ang aking nakita.
Sumama ang loob ko,tila may lalaking sumusunod at sumita.
Di ko iyon pinansin at patuloy sa aking paglalakad.
Aaminin ko ako'y pagewang-gewang na at hilo ko'y sagad.

Unti-unti nagdidilim ang aking paningin
Para akong nahuhulog sa bangin
Ang huling aking narinig may lalaking tila nagpapanic.
Sa isip ko tila love story namin ay parang tragic.

Nagising ako't inilibot ang aking paningin.
May isang lalaking nakayuko at tila nananalangin
Tila may sayang umaapaw sa aking loob
Ng makita ang mukha ng lalaking nakayuko,tama ang aking kutob.

Tila alam nyang gising na ako.
Kaya nagpaalam siya at tinawag ang doctor sa labas dako.
Ngayon ko lang nalaman na sa hospital pala ako dinala.
At ng aking maisip alam ko na kung ano ang ginagawa ko dito,tama nga ang aking hinala.

Pumasok ang isang doctor at sinimulang tignan ang kalagayan ko.
Hinanap ng aking paningin ang lalaking nagdala sakin dito.
Pero ako'y nabigo at napagtanto.
Iniwan na niya ako dito.

Sabi ng doctor bakit ako nahilo.
Sabi ko di ko alam at ang isip ko'y gulong gulo.
Pumasok ang mga kaibigan ko sa kwarto at kinausap ang doctor.
Dito ko nalaman ang dahilan ng aking pagbabakasyon,yun pala kasi ang aking hiling na sana makapasyal ko bago nila ako imomonitor.

Nakalimutan ko na pala ang aking pasya dito dahil sa kanya.
Nalimutan ko ang sakit at napalitan ng saya.
Masaya ako kahit sa kunting araw eh naging masaya ako.
May sakit ako at malala na ito.

Unti-unti na akong naghihina.
Gusto ko ng magpahinga.
Nang malapit na akong pumikit tila bumuhos ang kanilang hinanakit.
Di ko inaasahan na isang lalaki ang marahas na binuksan ang pinto at doon ko naranasan ang pait.

Naghihina na ako at ang tangi ko lang gusto
Eh malaman ang kaniyang pangalan nito.
Nagmalapit na ako pumikit
Pangalan nya ay sinambit.

Di ko na marinig
Masaya ako at dahil sa kanyang tinig
Nakahit na wala na ako sa huli
Masaya pa rin ako.Salamat magkikita tayo muli?

Poems of a broken personTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon