Naaalala ko pa lahat ng sinabi mo noon
Tayo lamang at walang makakapaghihiwalay satin habang panahon.
Walang ibang hinahangad,Ikaw lang at ako ang tanging meron
Masasayang nagtatawanan at nagkwekwentuhan mapabukang-liwayway man o dapit-hapon.
Naalala ko rin na sinabi mo
Walang iwanan magpakaylan man, ikaw at ako
Magkasama sa hirap at ginhawa
Sa lungkot man o ligaya
Pero lungkot ang siyang natamo
Nang sakin ika'y nawala at lumayo
Lahat ng masasayang alaala at pangako'y napako
Nawala ka ng parang bula at biglang naglaho
Hindi lang masakit,mas malala pa sa sobrang sakit
At ito ako't lumuluha at naitanong sa isipan bakit?
Hindi ko naman inakala
Na ikaw at ang pag-ibig mo'y biglang nawala
Siguro nga tama ang sabi-sabi'y totoo
Na ang salitang FOREVER ay di totoo at nasa isip lang ng tao
At yang mga pangakong Pag-iibigan ng walang hanggan
Simula't sapol wala rin namang katotohanan
Umasa pa naman ako sa sinabi mo
Na di ito trip at ang pag-ibig mo'y di na magbabago.
BINABASA MO ANG
Poems of a broken person
PoésieA collection of inspirational poems... About broken hearts... Broken dreams and desires... Broken promises and lose love... Past relationship... Wounded hearts... Heartaches and Heartbreaks... Copyright©2016 by HeartlessPrincess_64 All rights reserv...