Sobrang sakit

9 0 0
                                    

Akala ko ay tayo na hangggang sa dulo

Pero yun nga hangggang akala na lang pala ang mga ito

Mahirap gumising sa bawat umaga

Lalo na tuwing naiisip kung wala ka na

Mas mabuti pa kapag natutulog

Puso't isip ay hindi nabubulabog

Move on? Madaling sabihin

Mga sakit mahirap mag-isang harapin

Yung mga di pa nakakaranas ng pait sa pag-ibig

May forever daw at hahanapin nila ito sa buong daigdig

Tanga na kung tanga

Mga taong walang puso at mapanghusga

Siraulo na kung sira

Mga matang ma panira

Pero mahirap kasing pakawalan

Ang mga alaala at pangakong matagal kung pinanghawakan

Masakit na makita

May kasama kang iba di pa kita masita

Masaya ka na sa piling ng iba

Para bang pinapamuka mo saking "MASAKIT BA?!"

Naisip ko na kung noong tayo kaya

Ganyan ka rin ba kasaya?

Poems of a broken personTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon