Move on?

11 0 0
                                    

Durog pa rin ako

Wasak pa rin ang puso ko

Ganito lang talaga siguro

Kung sa pag-ibig ika'y nabigo

Totoo nga na sa magkasinta

May mas nagmahal kesa sa isa

At sa bawat hiwalayang nagaganap

May isang mas masasaktan at maghihirap

Ayokong burahin ka sa buhay ko ng tuluyan

Masakit ma'y pilit di kakalimutan

Alaala natin ay nakatatak parin saking puso't isipan

Ngayon at hanggang magpakaylan man

Darating ang panahon

Puso, Isip at sarili ko'y aking ibabangon

Pero hindi ko pa kaya sa ngayon

Darating ang araw ako'y aahon sa tamang panahon

Ayoko pa ring isipin na wala ka na

Dahil hanggang ngayon nakatatak ka pa sana,

Sa bandang huli

Manging masaya tayo pariho at magkita muli

Paalam mahal

Kahit di tayo humantong sa kasal

Poems of a broken personTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon