Chapter 3

10 0 0
                                    

CHAPTER 3

"MATT POV"

"Napakatahimik mo"puna ko sa kanya at napatitig ako sa braso nito,agad naman akong nag-iwas ng tingin.

"Nagsisisi ka na ba sa desisyon mong mag-ayos ng kasal dito, Señorita reyes?" tanong ko

"on the contrary, marami akong naiisip na idea."sagot nito

"ang apelyido mo, parang pamilyar 'yon sa akin. Sigurado ka bang hindi pa tayo nagkakilala dati?"nagtatakang tanong ko

"Karaniwan lang ang apelyido ko. Segurado akong hindi pa tayo nagkakilala dati. Duda rin ako kung pareho tayo ng ginagalawang mundo." sagot niya

"Anong ibig mong sabihin?" nakakunot-noong tanong ko

"Na hindi pa ako nakakapunta sa polo match at sa tingin ko, hindi ka nagpupunta nang alang imbitasyon sa mga kasal."paliwanag niya

"nagulat akong hindi mo pa idinagdag ang polo sa to-do list ng kailangan mong gawin, isang high-profile polo player ang kumuha sa serbisyo mo"masungit na sabi ko

"nagbasa ako tungkol sa laro at nanood ako ng mga pelikula at documentaries tungkol sa polo."paliwanag niya

"at hindi yon katulad ng pag-attend mismo sa laro."ani ko

"that's something I intend to put right as soon as I can. I'm looking forward to it. Mukhang nakaka-excite ang larong yon!" nakangiting sabi niya

"kalian ka pa sa wedding business, Señorita Reyes?"tanong ko

"please, tawagin mo na lang akong 'ARA'. Yon ang tawag sa akin ng lahat."

"sasagutin mo ba ang tanong ko?" tanong ko, hindi ko pinansin ak sinabi niya

"may references ko sina Holly at Joe,"sagot niya

"simpleng tanong lang yon. Bakit ko babasahin ang reference mo kung katabi naman kita at puwedeng ikaw mismo ang sumagot"sabi ko

"ARA POV"

"Masaya akong sagutin ang mga itatanong mo sa akin" within reason, sa loob-loob ko. Maraming tungkol sa akin na hindi ko sinasabi.

Katulad ng katotohanang nasa ganoong negosyo na ako noong nagsisimula pa lang ang sakit ng aking ama at dahil sa nursing care nito, hindi ako kikita nang sapat kapag namasukan ako at may fixed salary lang.

nagsimula ako nang mag-isa,determinado at desperado. At isa lang ang goal ko: ang mapanatili ang dignidad at pagiging pribado ng aking ama.

At ganoon nga ang nangyari at magpapatuloy iyon, anuman ang mga ibatong hamon sa akin ni MATT SANDOVAL.

a/n: please vote... hehehe ,, kita kitz sa next chapter.. hope you like it..:) :)



Her's and His SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon