Chapter 4
"ARA POV"
"I've been arranging weddings for friends for as long as I can remember."naisip ko na mas mabuting ako ang magsimulang magsalita kung pupuwersahin akong magpaliwanag ni matt.
"At bakit ikaw ang pinapagawa nila n'on?"tanong nito
"Siguro dahil ako ang palaging nagpaplano ng mga event sa school. Arranging weddings turned out to be a natural progression of that."
"Kailan ka ba g-um-raduate?"
"Twenty-six na ako." And enough was wnough "I've been a successful wedding planner with my own company for over five years now, Señor Sandoval."
"Pinaniwala ako ng kapatid ko na mas matanda at mas maraming experience ang wedding planner niya. And excuse me for saying so, pero mukhang masyado ka pangbata para mag-handle ng ganito kalaki at kaimportanteng trabaho."
"Importante sa akin ang lahat ng kasal,"nagtitimping sabi ko."At kahit napansin kong hindi mo ako kilala, please lang, huwag mo akong husgahan agad, Señor Sandoval. Hindi man ako nagsusuot ng business suit habang bumubiyahe ako, seryoso naman ako sa ginagawa ko. And excuse me for saying so, hindi ako wedding planner ng kapatid mo. Si Holly Valiente ang kumuha sa akin."
"I'm sure you'll agree with me that Holly has a somewhat rose-tinted view of the island?"
"Gaya ng sinabi ko kanina, hindi ko pa nakikita ang isla para gumawa ng kahit anong assessment. Wala pa akong desisyon sa ngayon. Pero naisip ko lang, kung maraming kakulangan dito, bakit dito mo piniling magpagaling?"
"MATT POV"
"I BEG your pardon?"hindi ako makapaniwala na itananong talaga iyon ni Ara. Walang nagbabanggit ng tungkol sa aking injury sa harap ko. Ang mga kapatid ko siguro,pero ang mga hindi ko kilala?
"Sorry kung nagiging mausisa ako"anito "Curious lang ako kung anu ang umakit sa'yo rito."
"Childhood emories," sarkastikong sabi ko.
Umaaasa akong tatahimik na ito pagkasabi ko, Mula nang maaksidente ako ay ingat ang lahat ng nakapaligid sa akin walang babaeng humamom sa akin pero ginagawa iyon ngayon ng batang ito!
"Whoa- slow dow,"anito,saka hinablot ang aking braso nang bilisan ko ang pagmamaneho.
Sinulyapan ko ito roon, saka agad nagbawi ng kamay. "Ang akala ko ba, gusto mo ng speed?" pang-iinis ko ko rito.
"I ride my bike responsibly,"malumanay na sagot nito hindi ito natatakot na hamunin ako.
Hindi kasama sa plano ko ang pang-aakit sa wedding planner at hindi pa rin ko balak Gawain iyon.
Ang tipo kong babae ay iyong mas matanda sa akin at alam kung anu lang ang kaya kong ibigay.
Dapat ay marunong iyong mag-ayos at alam ang mga dapat iyong sabihin.
Ang pinaka-importante sa lahat, alam niton kung kailan mananahimik.
Hindi iyong nakabihis-panlalaki at nagpupumilit na makipag-usap sa akin na parang lalaki na rin ito.
"ARA POV"
"Kung may hotel dit,hindi na kita kailangan abalahin,"sabi ko
"Walang hotel dito, wala kang makikitang fairy godmother sa Isla del Fuego na may ekstrang kuwarto, Señorita Reyes. You will stay with me"tila nababagot na sabi nito.
Nanuyo ang lalamunan ko. Stay with him?may sense nga iyon. Pero-
Ngunit gaya ng palagi kong ina-advise sa mga ninenerbiyos na bride,ngumiti na lang ako at nagpasalamt dito.
At dahil mukhang tapos na ang welcome speech ko ay bumaling na lang ako sa bintana at tiningnan ang napakagandang paligid.
"Ang gand,"bulong ko.Kinalimutan ko muna pansamantala ang aking katabi.
"Kung ako ikaw, hindi ako masyadong aasa. I live a rough, spare bachelor's life on the island, with very few home comforts"sabi ni señor Sandoval "Ang view ang tinutukoy ko,"paliwanag ko
"It's absolutely stunning" at perpekto para sa kasal ng passionate couple na sina Holly at Ruiz. Sa loob-loob ko
Walang sinabi si matt pero napansin kong humigpit ang hawak nito sa manibela.
Sa tingin ko ay as gusto nitong umalis ako at sukuan ang Isla del Fuego at iwan akong mag-isa para mag-senti sorry lang siya..
"Meron pa palang isang bagay. Habang nandito ka,mabuti pang tawagin mo akong 'matt."
Binigkas ko nang mahina ang pangalan nito tila may koryenteng nanulay sa aking katawan nang makita ko ang ekspresyon ng mukha nito.
"Matt it is." Isa na naman ba iyong ploy nito para hindi ako maging kumportable rito.
A/N:Sana na gustohan niyo ang chapter na ito... please VOTE & COMMENT...
BINABASA MO ANG
Her's and His Secrets
General FictionSa isang relasyon dapat walang lihim sa isa't-isa... . . Ngunit pareho kayong may itinatagong lihim at hindi niyo alam kung kaya niyo iyong aminin sa isa't isa. At pareho rin kayong natakot na ang simpleng atraksyon ay nagging pag-ibig na..