Prologue
--
Hindi ako kagandahan.
Alam ko sa sarili ko yan. Dahil ang salamin na mismo ang nagpamukha sa akin.
Hindi ako yung tipo ng babae na..
Pagkakaguluhan ng boys pag nakita nilang dumaan sa harap nila.
Yung magkaka-crush sakin ang crush ng campus.
Yung masasabi mong ma la-'love-at-first-sight' ka.
Maayos manamit.
Sosyalin.
Ideal girl ng isang lalaki.
Magugustuhan ng isang mayaman, famous at gwapong lalake.
I'm just a plain girl. Ang simple simple ko lang na masasabi kong part ako ng society. Ng mundo.
Lahat yan, totoo. Kahit sinasabi nilang ang cute ko daw. Maganda namana daw ako. Pero ang hirap paniwalaan..
lalo na pag alam ko yung totoo. Yung alam ko sa sarili ko, na hindi ako maganda. Na walang magkakagusto sakin. Na imposibleng crush ako ng crush ko. Na imposible pa sa imposible na magkakagusto sakin si Jay.
BINABASA MO ANG
To Be or Not To Be Fooled.. Again!
Short StoryHindi basehan ang panlabas na anyo para masabi mong mahal mo ang isang tao.