***Zylie's POV
Hanggang ngayon. Hindi pa rin niya ako pinapatawad. Di pa rin ako pinapatawad ni Ate Zandra. Matapos ko ba naman maglihim ng isang buwan. Tapos malalaman niya lang na niloko pala ako ng secret boyfriend ko. Kagabi ko na rin tinapos yung relasyon ko kay Ivan. Di man lang niya ako pinigilan na makipag break sa kanya. Siguro nga, hindi niya na ako mahal ay siguro din, ay hindi niya talaga ako minahal. Ang sakit sakit. Nakalimutan pa niyang monthsary namin kahapon.
"Ate sorry na please. Patawarin mo na ako." Pagmamakaawa ko kay ate. Wala pa rin siyang imik. "Ate, please. Ayokong nagagalit ka sa akin. Ayokong magkaaway tayo."
"Bakit kasi hindi mo sinabi sa akin ang lahat nung una pa lang?" Sabi niya. Blanko lang ang expression niya.
"Kaya nga sorry na diba? Promise ate, hindi ko na uulitin promise." Sabi ko at itinaas ang kanang kamay na parang nanunumpa.
"Hindi madaling magpatawad ng tao, Zylie." Sabi ni Ate at pumunta ng kusina at iniwan ako dito sa terrace.
Hmmm...?? Ano kaya ang dapat kong gawin para mapatawad ako ni Ate?
Alam ko na!!!! Good Idea!
Agad agad akong naligo, nagbihis at umalis. Syempre nagsuklay din.
Andito ako ngayon sa mall. Agad akong pumunta sa DQ. Favorite namin kasi dito ni ate simula bata pa lang kami.
"Hi ma'am ano pong order nila?" Tanong nung cashier.
"Blizzard, Oreo, yung pinakamalaki, dalawa po . Tsaka Cake, oreo flavor din." Order ko. Favorite na favorite kasi namin ni ate yung oreo flavor.
Nang makuha ko na ang order ko, agad akong umuwi ng bahay at baka matunaw ang ice cream na binili ko.
"Ummm.... ate?" Kumatok ako sa kwarto ni ate.
"Bakit?" Sagot niya, hindi pa niya binubuksan ang pinto.
"Tara kain tayo." Sabi ko.
"Tapos na ako kumain."
"Hindi naman, kanin kakainin natin eh."
"Ano?"
"Basta bumaba ka nalang. Punta ka ng kusina, bilis."
"Busog na ko."
"Sige, kung ayaw mo, itatapon ko nalang to." Sabi ko at umalis. Syempre joke lang yun. Nilagay ko nalang sa ref yung cake. Tapos yung ice cream nilagay ko sa freezer. Pumunta nalang ako sa kwarto ko.
-------------------end of Zylie's POV
***Zandra's POV***
Ano naman kaya yung ipapakain sakin ni Zylie? Hay! Gusto ko na talaga malaman. Kaya bumaba ako para tignan kung ano yun. Pumunta ako sa kusina, pero wala naman pagkain na nakahain. Siguro, tinapon na nga ni Zylie yung sinasabi niya pagkain. Nang mauhaw ako, binuksan ko ang ref para kumuha ng tubig nang may makita akong...... cake?
Napangiti naman ako dun. Salamat Zylie!!! Wow! Oreo flavor!! Kaso, parang may kulang. Waaaaa!!! Gusto ko ng ice cream. Tinignan ko ulit ang ref at tinignang mabuti kung may oreo ice cream, kaso wala. Ohhh, baka naman nilagay niya sa freezer.
Agad ko namang tinignan ang freezer at yeeeehhhheeyyy!!! May oreo ice cream nga! I think, it's time para mapatawad ko na si Zylie. Sobrang napasaya talaga niya ako ngayon.
Hindi buo ang pagkain ng cake at ice cream, kung wala akong kasabay.
Agad ko namang pinuntahan si Zylie sa kwarto niya at kumatok.
"Zylie?... tara kain na tayo ng... ice cream at... cake... sabayan mo na ako. Thank you nga pala ah." Sabi ko. Pero hindi nakabukas ang pinto.
Bigla namang bumukas ang pinto.
"Nakita mo na?" Nakangiting sabi ni Zylie.
"Yup. And... thanks!" Sabi ko sabay yakap kay Zylie. "You make me happy so much, Zyls!"
"Pinapatawad mo na ako?" Tanong niya.
"Of course!" Sabi ko. That's why I love my sister. Alam niya kung anong gusto ko. I'm feeling blessed that I have a sister like her.