***Zylie's POV***
Hello I'm Zylie Erika Ramirez! At ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Chos! Joke lang yun syempre pero totoo yun. Hay, tama na nga. Anyways, kanina hindi talaga ako makapaniwala! Sumabay ako sa kanya papasok ng school. Actually, kaming dalawa ni ate. Kaya lang naman ako napatulala nun, kasi nakita ko siya. Kung nagtataka kayo kung bakit?... ano kasi eh ... ano... boyfriend ko kasi si Ivan na classmate pa ng ate ko. Nakaw! Kapag nalaman to ni ate, dyosko! Mapapatay ako nun tsaka susumbong ako nun kay mommy. For sure, mapapauwi si mommy galing abroad at ang pasalubong?... ano pa?... edi sermon. Ayaw pa kasi ni mommy na magboyfriend kami dahil dun sa nangyari kay ate. Niloko kasi siya ng boyfriend niya 3 years ago. Grabbbeeee talaga siya kapag broken hearted! Hindi makafocus sa pagaaral, nagkacutting, hindi pumapasok, hindi nakakakain, hindi natutulog, at lalong lalo na nung natuto siyang uminom ng alak. Grabe. Naawa talaga ako kay ate nun. Pero sana naman hindi ako lokohin ni Ivan. Pero... siya ang sikat bilang playboy sa school. Pero sabi naman niya, hindi niya ko lokokohin. Tsaka ipaglalaban niya daw ako. Kinikilig pa nga ako nun eh pero syempre hindi ko pinapahalata. Malapit na kaming mag 1 month. Next week na yun. At 1 month ko na rin hindi sinasabi kila ate. Sasabihin ko rin naman sa kanila pero in a right time.
---------------***end of Zylie's POV***
***Zandra's POV***
"Hi Zandra!" Napatingin ako sa tumawag. Si Ivan? Feeling close lang kung makatawag?
"Sabay ka sakin maglunch. Sama mo na rin yung kapatid mo. Please." Pagyaya niya. Pinagdikit pa niya yung dalawa niyang kamay na parang nagmamakaawa.
"Wow ha. Kanina pa nga lang tayo nagkakilala. Tsaka we're not friends noh!" Sabi ko. Wooooo! Ang taray ko. Hahaha.
"Zands! Tara na at maglunch!" Sigaw ni Kelay, kaibigan ko. Kasama niya rin yung iba pa namin kaibigan, sina Ianne, Venice, Anicka, Andrea, Jazmine at Patricia.
"Ohhh, hello Ivan!" Bati nilang lahat kay Ivan. Wow famous! Kinikilig pa ang mga loka. Yung para bang naging pusuan ang mga mata.
"Hi girls!" Bati din niya.
"By the way. I'm Ianne. Dhianne Serynna Jimenez." Pagpapakilala ni Ianne.
"Kelay. Kellie Joy Panganiban." -Kelay
"I'm Tricia! Patricia Allison Santiago." -Tricia
"Hi Ivan, I'm Anicka Marie Vasquez." -Anicka
"Venice. Venice Klaine Perez." -Venice
"Andrea. Sindy Andrea Cruz." -Andrea
"Jazz. Maria Jazzmine Torres." -Jazzmine
"Nice to meet you all guys." Grabe sila. Talagang buong pangalan yung pinakilala. Tsk tsk. "Wait. Jazzmine, pinsan mo ba si Travis?" Tanong ni Ivan.
"Yung gangmate mo? Yep why." Sagot ni Jazz.
"Wala lang. Ikaw pala yun." Sabi niya. "Uhm, guys pwede ba kayong sumabay samin maglunch?"
"Sure!!!" Sigaw nila lahat. Napakunot nalang yung noo ko. Hay sige na nga! Bahala na.
"Well, that's good. Ano? Let's go?" Pagyayaya ni Ivan.
"Ok sige tara." Nasa likod lang nila ako habang naglalakad kami papuntang rooftop. Walang masyadong pumupunta dito kasi tambayan ito ng The Fearless Warriors. Yun yung pangalan ng gang nila Ivan.
