***Zandra's POV***
Hindi pwede to. Pagbabayaran ni Ivan ang ginawa niya sa kapatid ko. Ang panlolokong ginawa niya! Hindi naman pwedeng ganon ganon nalang yun noh.
"Ate, wag na kasi! Ok na ako. Makakamoveon rin ako." Pagmamakaawa ni Zylie.
"Ayokong matulad ka sakin. Ayokong matulad ka sakin na niloko lang ng isang lalaki." Sabi ko. Ayokong mangyari sa kanya yung mga nangyari sakin nung niloko ako ng first boyfriend ko.
"Hindi naman ako matutulad sayo noh. Hindi ako iinom kahit kailan. Kahit broken hearted ako, hinding hindi ko gagawin yon." Sabi niya.
"Hay! Sure ka ba talaga na ok ka na?" Tanong ko.
"Oo nga eh! Ang kulit?!" Mukhang naiirita na talaga siya.
"Sensya na. Gusto ko lang naman na protektahan ka. Ayoko lang naman na matulad ka sakin." Sabi ko.
"Basta ate ha! Wag na wag mo tong sasabihin kay mommy." Sabi niya.
"Ok. Fine!" Sabi ko.
-------------------end of Zandra's POV
***Zylie's POV***
Nandito kami ngayon ni sistah sa school. Dyosko! Sana naman hindi awayin ni ate si Ivan. Oo! Kahit niloko niya ko, concern pa rin ako sa kanya at.... mahal ko pa rin siya. Kasalanan ko bang magmahal?
"Ate, please wag mong aawayin si Ivan ah!" Sabi ko.
"Tsss oo na! Basta kapag di ko na napigilan sorry nalang." Sabi niya.
"Ate naman eh! Please. Wag mo na kasing awayin!" Sabi ko.
"Niloko ka na nga. Concern ka pa rin sa kanya. Wag mo sabihing mahal mo pa rin yon?!" Sabi niya.
"Well, yeah. Mahal ko parin siya, pero hinding hindi ko pa rin makakalimutan yung panloloko niya sakin. Ano siya, utot?" Sagot ko.
"Hi guys!" Sila Ivan paparating na. Si Ivan, nakatungo lang habang sumusunod sa mga tropa niya papunta samin.
"Asan sila Tricia?" Tanong ni Kiko.
"Nakaw Kiko. Si Tricia agad hanap mo?" Pangaasar ko.
"Ang sabi ko, SILA Tricia. Hindi si Tricia." Pagtatanggol niya sa sarili.
"Kanina nga, hinahanap mo si Tricia eh." Pangaasar naman ni Jheros.
"Tssss. Bagay kayo niyang si Zylie eh. Magsama nga kayo." Sabi ni Kiko.
Nagkatinginan naman kami ni Jheros at parehas na nagsabi ng...
"Eww!"
"Mas eww ka noh!" Sabi ko kay Jheros.
"Wow nahiya naman ako sayo!" Sabi ni eww--- este Jheros.
"Waaaa! LQ na yata to guys!" Pangaasar ni Kean.
"Anong LQ?! EQ kamo!" Sabi ko.
"Ano yun? Diaper?" Nagtatakang tanong ni Kean.
"Tsss slow! EQ. Enemy's Quarrel." Sagot ko.
"Awww!!" Sigawan nila.
Tinignan ko si Ivan, tahimik lang siya, mukhang problemado. Si Ate naman, ang sama ng tingin kay Ivan. Buti naman hindi na gumawa ng eskandalo yang si Ate.
-----------------------------------------------------------------------------------
A/nMukhang may bago nang love team ah! JheLie?!
Abangan kung sino ang mga magkakatuluyan sa kanila.
Keep on reading, TY!
