Chapter 3: Pain

5 0 0
                                    

***Zylie's POV***

Nagdaan ang isang linggo. And guess what?! 1st monthsary na namin ni Ivan. Sakto, sabado ngayon, tinext ko si Ivan na pumunta ng SM at doon kami magsecelebrate ng monthsary namin.


"Ate, alis muna ako ah." Pagpapaalam ko kay ate.


"At saan ka na naman pupunta?" Sabi niya.


"Aalis lang ako. Gagawa kami ng project kila Glacey." Pagsisinungaling ko. Sorry ate, pero kailangan kong gawin to. Sorry din papa god.


"Umuwi ka ng maaga ah!" Sabi niya.


"Opo!" Sabi ko sabay labas ng bahay. 11:30 am na, ang usapan namin ni Ivan ay 12:00. 30 minutes nalang malelate na ako sa lakad namin.


Sumakay ako ng taxi papunta sa SM. Pagkadating ko don, pumunta na ako sa isang restaurant... sa Gerry's Grill. Paborito niya daw kasi doon.


Asan na kaya siya? May nakita akong isang babae at lalaking naglalambingan. Pero, bakit parang... parang... parang si Ivan yung lalaki? Agad akong lumapit para makumirma kung siya nga iyon. Dahan dahan akong lumapit. Siya... siya... siya nga iyon. Pero sino yung babae?


"I-Ivan?" Sabi ko.


"Zylie! Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.


"Ano?! Tatanungin mo ako kung anong ginagawa ko dito? Nakalimutan mo na ba, ha? 1st monthsary natin ngayon. At ang usapan natin, dito tayo magcecelebrate. Tapos ngayong nandito na ako, tatanungin mo ko kung anong ginagawa ko dito?!" Pagdadahilan ko. Ang sakit naman.


"Ayy sorry. Nakalimutan ko. Monthsary pala natin ngayon. Sorry talaga Zylie." Nakalimutan na nga niyang monthsary namin. Ang sakit sakit.


"Tanong ko lang ha! Mahal mo ba talaga ako? O pinaglalaruan mo lang ako?! Sino yang babaeng yan ha?! Sino?! Babae mo?!" Sigaw ko. Wala na akong pake kahit marinig ng ibang tao. Basta ang alam ko lang ngayon ay... nasasaktan ako.


"S-sorry Zylie. Sorry talaga." Sabi niya.


"Babe, sino ba siya? Tsaka ano yung sinasabi niyang monthsary niyo?" Sabi nung babae niya. So, dalawa kaming pinaglaruan niya?


"Ako lang naman yung GIRLFRIEND niyang nilalandi mo!" Sabi ko.


"Girlfriend?!" React nung babae.


"Zylie I'm sorry pero... si Yoona kasi yung... totoo kong girlfriend." Sabi niya.


"So... ibig mong sabihin... a-ako yung... k-kabit dito?" Sabi ko. Sobrang sakit na talaga.


Lesson Learned:
Huwag mainlove sa isang playboy.


Habang pauwi, iyak pa rin ako ng iyak. Bakit ba, ang sakit sakit?! Napahiya ako kanina. Akala ko... ako yung totoong girlfriend. SABIT lang pala ako sa kanilang dalawa.


Dahan dahan kong binuksan yung pinto ng bahay namin.


"Zylie, andya---" napatigil si Ate sa pagsasalita ng makita niya akong umiiyak.


"Ate!" Sigaw ko sabay yakap kay ate.


"Zylie, ok ka lang ba ha? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" Agad niyang tanong sabay kalas sa yakap.


"Ate ang sakit. Ang sakit sakit." Sabi ko sa kanya habang umiiyak.


"Bakit ba? Ano bang nangyari? Sabihin mo sa kin." Interesado niyang tanong.


"S-si..... Ivan..."


"O? Anong meron kay Ivan?" Agad niyang tanong.


"N-niloko niya ako." Lalo lang akong napaiyak sa sinabi ko.


"Ano bang sinasabi mong niloko? Diretsohin mo nga ako. Ano bang meron kay Ivan." Tanong niya.


"Sorry ate! Sorry kung hindi ko sinabing naging kami ni Ivan. Sorry. Kanina sa mall, nakita ko siyang may kasamang ibang babae. At nakalimutan pa niyang monthsary namin." Sabi ko at napatungo.


"Nagsinungaling ka sakin? Sabi mo pupunta ka kila Glacey? At hindi mo rin sinabi sakin na boyfriend mo si Ivan." Nakikita ko sa mukha niya ang inis.


"Sorry talaga ate. Hindi ko na uulitin. Hindi na ulit ako magsisinungaling sayo. Pero, please, wag mo tong sasabihin kay mommy. Please ate sorry na." Dirediretso kong sabi.


"Ano pang silbi na naging kapatid mo ako kung maglilihim ka lang sakin? Bakit mo piniling magsinungaling sakin?! Pwede mo namang sabihin sakin yung totoo eh, maiintindihan naman kita." Umiiyak na talaga siya. Agad ko naman siyang niyakap.


"Sorry ate. Sorry. Patawarin mo na ako, please." Kasabay ng pagpikit ko ang pagtulo ng luha ko.


"Magluluto na ako ng kakainin natin. Magbihis ka na. Tsaka ayusin mo na rin yang mukha mo." Sabi niya at umalis.


Ano ba tong ginawa ko?! Galit sakin si ate. Dapat may gawin ako para mapatawad niya ko. Ayoko ng ganito. Ayokong nagaaway kami.

My Sister's Ex - BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon