Chapter 1: The Famous Playboy

12 0 0
                                    

***Zandra's POV***

Hi. My name is Zandra Elise Ramirez, 17 years old. Nagaaral sa SAH (South Academy High). 4th year highschool na ako. Still, single since 3 years ago. I don't want to have a boyfriend ever again. Wala nang matinong lalaki ngayon. Lahat na yata sila manloloko. Hubby nila ang manloko ng mga babae. For short, playboys.


"Ate! Let's go na! Malelate na tayo!" Grabe makasigaw tong babaeng to. But, wait? Tama ba tong naririnig ko? Ang lil' sis ko? Excited na pumasok? Spell HIMALA!


"Sis, maaga pa. Wag kang excited. 6:15 am palang oh? 7:30 am kaya ang simula ng klase. Di naman yata halata na excited ka? Alam ko walang himala, pero ano to?" Sabi ko with matching taas ng kilay.


"Ate, masama ba kung ginanahan na ako pumasok ngayon?" Sabi niya. Ay oo nga pala... siya si Zylie Erika Ramirez.


"Hindi naman. Naninibago lang ako." Sagot ko. Kami lang ng lil sis ko ang nakatira sa bahay na to. Si mommy, nasa abroad... si daddy?... iniwan na kami. May iba nang pamilya. So, it means na may iba pa kaming kapatid ni Zylie. Mas bata pa sa amin.


"Hoy sistah! Bat natulaley ka na dyan? Tara na kasi!" Sabi niya habang winawagayway yung kamay niya sa harap ng mukha.


"Oo na. Ito na nga oh." Sabi ko sabay kuha ng bag ko.


Nagabang na kami ng taxi, pero wala kaming makita. Naiinip na rin tong kapatid ko.


"Ate! Nakakainis! Bat walang taxi? Kung kelan namang may gana na akong pumasok? Saka pa tayo walang makitang taxi?!" Pagmumukmok niya.


Bigla namang may tumigil na sasakyan sa harapan namin at bumukas ang bintana ng sasakyan nito.


"Sabay na kayo. Mukhang wala kayong masakyan ah. Sumabay na kayo sa akin, baka malate pa kayo." He's familiar. Ay siya yung classmate kong palaging late at minsan lang pumapasok. Nagcucutting yata.


Tinignan ko si Zylie, nakakatawa yung itsura niya. Para siyang napako sa kinatatayuan niya habang nakatingin dun sa lalaking namamaneho ng sasakyan.


"Hi Zylie." Bati nung lalaki kay Zylie. Magkakilala sila?!


"H-hello." Nakatulala pa rin siya.


"Sige na. Sumabay na kayo sa akin. Please." Pangungulit ulit niya.


"Hindi na. Bawal kasi kasi kaming sumabay sa taong di namin kilala." Sagot ko. Napatingin naman sa akin saglit si Zylie.


"Huh? Do you think I'm a stranger? Eh classmate mo naman ako? Kung sakali, we can be friends." Sabi niya, then smile.


"Sige, sasabay na kami." Nagulat naman ako sa biglaang pagsasalita ni Zylie. Tinaasan ko siya ng kilay.


"Ok good. Sige sakay na kayo." Sabi nung lalaki.


"No, thanks. Hindi na. Salamat nalang." Sabi ko at pinigilan ko si Zylie na bubuksan na sana yung pinto ng sasakyan.


"Pero ate, kanina pa tayo walang masakyan kaya sumabay na tayo." Pagdadahilan ni Zylie.


"Pero hi----" pinutol niya ang sasabihin ko.


"Tara na kasi ate!" Pagiinarte niya.


"Ok! Fine!" Wala na akong nagawa at pumayag nalang ako.


Sumakay na kami ni Zylie. Sa backseat kami nakaupo. Ang tahimik naman. Nabasag lang ang katahimikan nang biglang magsalita yung lalaki.


"Kung hindi niyo pa ako kilala. I'm Ivan Lopez." Pagpapakilala niya.


"The famous playboy in S.A.H." pagdugtong ko. Napangisi naman siya.


"I think so." Sabi niya.


Pagkatapos non, hindi na kami ulit nagimikan hanggang sa makarating na kami sa school.


Pagkababa namin, agad kaming nagpasalamat kay Ivan.


"Uyy Ivan, salamat sa paghatid ah." Sabi ko.


"No prob. Anytime." Sabi niya.






My Sister's Ex - BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon