1

2.4K 19 0
                                    

Sinapak ako ng babaeng katabi ko kanina.

Ang lakas niya para sa isang babae ah. Di ko alam kung totoong hindi niya sinasadya 'to.
Tinignan ko sa salamin ang tama ko sa ilalim ng baba. Solid.

Pasalamat siya't hindi ako yung tipong napipikon at pumapatol sa babae.

Pasalamat siya't kahit mukhang may sira ang tuktok niya, type ko siya.

Hindi ako makapaniwala, napapangiti ako ngayon nang dahil sa kanya.

----------0000o---------

Saan ko ba unang nakita ang babaeng yun?

Ewan ko ba, pamilyar ang mukha niya.

Parang nakita ko na ang mukha niya kung saan hindi ko lang matandaan. Sa simbahan,
sa paborito kong tambayan na coffee shop, sa sinehan. Hindi ako sigurado pero pakiramdam
ko palagi ko siyang nakikita. Baka masyado lang common ang hitsura niya kaya akala ko
nakikita ko siya kung saan saan.

Namamalik-mata lang siguro ako o masyadong feelingero. Parang sinusundan niya ako. Stalker?

Kababaeng tao. Imposible.

Alam kong may hitsura ako, pero hindi tulad ng sa artista na tipong may sumusunod palagi
parang paparazzi. Saktong may hitsura lang.

----------0000o---------

"Uhm..ah..Ro--- " sabi ng babaeng hindi makatingin sa akin ng diretso.

Tinitignan ko ang mukha niya, nabitin ako sa sasabihin niya.

"K-kuya, baka pede naman ako makisukob sa dala mong payong, basa at giniginaw na ako."

Gabi na at kasalukuyang umuulan. Nasa unahan ako ng pila ng mga pasahero na pasakay ng van
pauwi. Wala kasing waiting shed man lang itinayo dito para sa mga pasahero kaya kanya-kanyang
dala ng payong ang mga tao.

"Ah, yun lang pala, okey sige," sabi ko habang pinapasukob ko siya sa payong na bitbit ko.

"Kuya, mukha ka namang mabait, kaya lulubusin ko na."

Ano'ng mabait? Paano kung masamang tao pala ako, magnanakaw o manyakis. Lakas maka-FC
ng babaeng ito ah. Feeling close. Ito ang dahilan kung bakit ang daming napapahamak na mga
babae sa ngayon e.

Sumenyas siya na may ibubulong, ako naman si uto-uto, inilapit ko ang tenga ko sa kanya.

"Pede bang magpanggap ka na rin na kasama mo ako, para makasabay na ako pauwi?" bulong niya
sa akin na parang nahihiya.

Nakuha mo pang mahiya talaga. Nakisukob ka na nga tapos pati tong pwesto ko na ipinila ko nang
maaga, humigit kumulang mga 30 minutes na, gusto mo rin pakinabangan. Ayos ka rin ah.

"S-sige na, Kuya. Gusto ko na kasi makauwi agad, baka magkasakit ako."

Hindi ako nakasagot.

"Kasama mo ba yan?" tanong ng naka-kapoteng pahinante, yung naniningil at nag-aayos pagkakasunod ng upo ng mga pasahero sa van.

"Bawal kasi ang singit dito," sabi pa niya habang nakatingin sa mahabang pila ng mga nakasimangot na pasahero sa likod ko.

Tinignan niya ang babaeng katabi ko.

Nasa kaliwa ko ang babaeng FC. Dinikitan niya ako. Sa likod naming dalawa, iniabot niya ang kaliwa
kong kamay gamit ang kanyang kanan. Ipinasa niya ito sa kanyang kaliwa. Ang kaliwa naman niyang
kamay ang humila sa kamay at braso ko para maakbayan ko siya. Galing niya at ang bilis mag-isip.

Siniko niya ang tagiliran ko para sumagot kay manong na pahinante.

"Ah..ka-sama ko..siya," nasabi ko nalang.

Tumango si manong at naglakad na papalayo.

Kahit ako hindi ko rin alam kung bakit sumusunod ako sa babaeng ito.

Sa wakas, tumingin na siya sa akin nang diretso. Napangiti ko siya.

"Salamat ah."

Ang cute pala niya ngumiti. Tulad ng height niya, yun lang.

----------0000o---------

Dumating na ang van na 15-seater, kasama driver. Hay, salamat makakauwi na. Napagod ako sa
maghapong trabaho.

Ako handang-handa na sumakay ng van. Samantalang ang katabi ko, nagmamadaling kumuha ng
headphones mula sa kanyang shoulder bag. Agad niya itong sinuot sa magkabilang tenga kahit wala
pang pinagkakabitang cellphone o media player.

Katabi [Completed] #Wattys2015 #TNTPanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon