Wala pang isang taon nang magkakilala kami ni Angel, pero pakiramdam ko siya na talaga ang babae para sa akin.
Makulit, moody, iyakin pero mababaw ang kaligayahan. Nakakabaliw siya kasama pero siya ang kumukumpleto ng bawat araw ko.
Matapos ng una naming pagkikita sa Elderly Home, hindi ko na siya nilubayan. Yung pagiging random at misteryosa niyang tao, nakaka-intriga e. Nag-eenjoy talaga ako kasama siya.
Frustrated doctor pala siya. Hindi siya nakatapos kasi pinag-aral nalang muna niya ang dalawa niyang kapatid nang pumanaw ang mga magulang niya. Sa edad na 18, siya na ang tumayong ina at ama ng kanyang mga kapatid.
First-aider at Safety Officer siya sa kumpanyang pinapasukan niya. May isa pa siyang hilig gawin, magvolunteer. Suki siya ng mga kawang-gawa. Kung may sakuna, isa siya sa mga palaging andun para mag-alaga sa mga sugatan, nagugutom at walang matirahan.
Pangarap daw niya kasi kung hindi doctor, leading lady na action star. Yung astigin. Ang pagvovolunteer na ang pinakamalapit sa mga pangarap niya. Feeling superhero siya kapag nagagawa niyang magligtas ng mga tao.
Sa height niyang yan, malabo talagang maging artista siya, action star pa. Pero libre lang naman mangarap at dahil sa pangarap na yon marami siyang natututulungang tao.
Lingid sa kaalaman ng marami, ang super liit na si Angel ay totoong superhero sa tunay na buhay.
----------0000o----------
Ang ironic ng babaeng ito. Ang tapang niya kapag tumutulong siya sa panggagamot ng iba, pero sa sarili niyang dugo takot siya.
"Robbie..ayoko na. Uwi na'ko please," sabi ni Angel habang umiiyak.
"Anu ka ba? Andito na tayo," sagot ko naman habang hinihila ko siya papasok ng office kung saan may nagaganap na blood letting drive.
Umiiyak siya habang pinapahiga ko siya sa folding bed na may sapin. Lalo siyang lumuha nang nakita niya ang malaking karayom na itutusok sa kanya para sa pagkuha ng dugo.
"Itutuloy pa ba natin 'to? Madedehydrate na ata siya kakaiyak," paalala ng lalaking nurse na kukuha ng dugo ni Angel.
"Tuloy niyo lang yan," sagot ko sa nurse.
"Huy Angel, umayos ka nga. Practice mo na'to kapag misis na kita, ipapanganak mo pa mga anak naten," pang-aasar ko sa umiiyak padin na si Angel.
"Misis mong mukha mo. Manganak kang mag-isa, Hudas ka. Huhuhuhu," galit na sagot ni Angel. Ang tapang parang ini-exorcist.
Palakas nang palakas ang pag-iyak niya parang batang nagtatantrums.
Pinagtitinginan na kami ng lahat ng mga tao sa blood letting drive.
"Ayoko na! Mamamatay na 'ko. Mamamatay na'ko. Huhuhuhu."
Alam ko na ang magpapatahan dito.
"Ate, hingang malalim."
Huminga naman si Angel nang malalim. Gusto rin niya talagang magdonate, hindi lang niya talaga malaman kung paano niya kokontrolin ang takot niya.
Sinabayan ko ang pagtusok ng karayom sa ugat niya ng pagsubo ng isang pirasong ubas sa bibig niya. Tumigil na siya sa pag-ngangawa.
"Ang sarap ah. Hugas na ba yan?" tanong niya habang ngumunguya.
"Siyempre hinde," lokong sagot ko.
"Eh kung i-donate ko kaya lahat ng dugo mo sa katawan?"
"Joooke! Joke lang. Brutal ne'to"
Nakakapang-asar na siya, mukhang ok na siya. Ganito kami mag-usap, ito ang normal sa amin.
![](https://img.wattpad.com/cover/52407496-288-k385153.jpg)
BINABASA MO ANG
Katabi [Completed] #Wattys2015 #TNTPanalo
Historia CortaGusto kong maniwala na ang puso'y di marunong makalimot.