2

1K 14 3
                                    

Nasuntok ko siya. Hahaha!

Hindi ako makapaniwalang nagawa ko 'yon. Sarap sa pakiramdam.

Tama lang sa'yo yan. Masaktan ka man lang kahit konti.
Wala pa yan kung ikukumpara sa lahat ng sakit na idinulot mo sa akin.
Pati narin sa lahat ng efforts ko.

Natatawa ako. Maya-maya, naiiyak naman. Nakakapagod na.
Para akong sira. Ganito nga talaga yata pag nagmamahal.

Bakit ko ginagawa ito?

Dahil gusto kong maniwala na ang puso'y di marunong makalimot.

----------0000o---------

"Uhm..ah..Ro--- " sabi ko sa kanya. Muntik na madulas ang dila ko.
Angel, umayos ka nga. Hindi ka papalya ngayon.

Halatang ang awkward ko. Anubayan. Kailangan mag-isip, bilis.

"K-kuya, baka pede naman ako makisukob sa dala mong payong,
basa at giniginaw na ako."

Hindi ko alam kung gagana ba 'to. Ah, basta, bahala na, papanagutan
ko na 'to with matching Shrek's Puss in Boots maawa-ka-dahil-cute-ako effect.

Gabi na at may kalakasan ang ulan. Ito ang problema sa mga short-legged gaya ko.
Basang-basa na ang halos kalahati ng pantalon ko kahit sa iba parang hanggang
sakong palang ang baha. Maaawa naman siguro siya sa akin.

"Ah, yun lang pala, okey sige," sagot naman niya habang nakikisukob ako
sa malaki niyang payong.

"Kuya, mukha ka namang mabait, kaya lulubusin ko na."

Nakakahiya na 'tong ginagawa ko. Hindi talaga ako ganito kakapal sa personal
kaya wag mo ako i-ju-judge. Ang hirap, nakakaasiwa palang tawagin kang 'kuya'.
Hays.

Lumapit ako sa kanya, sumenyas ako na may ibubulong. Aba, inilapit naman niya
ang tenga niya. Gumagana na kaya ang cuteness ko? Hay nako Angel dapat ang
apelyido mo, Asapamore. Angel Asapamore.

"Pede bang magpanggap ka na rin na kasama mo ako, para makasabay na
ako pauwi?" bulong ko sa kanya.

Ibang level na ang kakapalan ko noh, alam ko namang kalahating oras ka na
nakapila tas sisingitan kita.

"S-sige na, Kuya. Gusto ko na kasi makauwi agad, baka magkasakit ako."

Mukhang ayaw niya ah. Hindi man lang sumagot. Suplado.

Naku, andyan na ang kontrabidang sisira sa mga pinaghirapan ko.

"Kasama mo ba yan?" tanong ng naka-kapoteng pahinante, yung naniningil at
nag-aayos pagkakasunod ng upo ng mga pasahero sa van.

"Bawal kasi ang singit dito," sabi pa niya habang nakatingin sa mahabang pila
ng mga nakasimangot na pasahero sa likod ko.

Tinignan ako ng pahinante. Napalunok ako. Ibang klaseng tingin, para akong
kino-cross examine sa korte. Pakiramdam ko parang tinatanong niya ako sa harap ng madla:
'Totoo ba na isa ka lehitimong SINGIT sa pila? OO o HINDI lang ang sagot.
Bawal magsinungaling. Wala nang bawian. Mamatay man. Period. No Erase.'
Teka, kanta yun ah.

Hala, at ayaw talaga akong i-defend ng katabi ko. Badtrip. Ako na ang gagawa ng paraan.
Hindi na talaga uso ang gentleman at knight-in-shining-armor sa panahon ngayon.
Ako pa talaga ang gagawa ng first move, hmp. Ang pride ko sobrang baba na,
kasing height ko na.

Ang tangkad mo naman kasi, kung sana kaunti lang ang agwat ng height natin
titingkayad lang ako maakbayan na kita, but no. Kailangan ko pa hilahin mula sa
likuran natin ang kaliwang kamay mo, iabot sa kaliwa ko para mahila ko at sapilitang
maakbayan mo ako.

Katabi [Completed] #Wattys2015 #TNTPanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon