3

925 15 0
                                    

"Opo, tita. Naiintindihan ko."

Ang nasabi ko nalang nang pinakiusapan ako ni tita na bigyan ko daw space ang anak niyang si Robbie. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot at awa sa kanyang anak. Ayaw kong mag-isip ng masama, pero nararamdaman ko na may halong paninisi ang tingin niya sa akin.

Wala akong magawa dahil kung ako din ang nasa kalagayan niya, malamang ganun din ang magiging reaksiyon ko sa mga nangyari.

Sabi niya isang taon lang naman. Kaya walang isip-isip pumayag agad ako.

Akala ko kaya ko, hindi pala.

----------0000o---------

Oplan simbahan.

Hindi ako yung tipo ng taong pala-simba, pero dahil sa'yo nasubukan kong mag-serve sa simbahan.

Huwat? Serve talaga? Oh, yes. Nagvolunteer ako na maging taga-kolekta ng love offering para sa parokya kung saan lagi nagsisimba si Robbie tuwing linggo. Miss ko na kasi siya. Gusto ko lang naman siya kamustahin, masama ba yon?

Siyempre naman may simple disguise ako para di halata. Wala pa kasing one year, ayoko madagdagan ang badtrip ni tita sa akin. Saka makakalapit ako sa pamilya niya nang wala silang
kamalay-malay.

Smooth sailing naman ang lahat. Akalain mong naka-mingle ko ang mga choir at mga Mother Butler sa simbahan. Enjoy din pala, noh.

Yun nga lang, may dumating na asungot sa pagiging church volunteer ko, si Lucy.

Si Lucy ay all-around church volunteer. Lahat ng ipagawa sa kanya, kayang-kaya niya gawin. Perfectionist siya in every way, with the perfect hair, by the way. Kaya niya kumanta sa choir, magbasa ng readings, maglector at commentator at iba pa. Buti nalang babae siya, kundi naagawan din niya ng silbi ang mga pari, sakristan at lay minister sa simbahan.

Sa sobrang pagiging competitive ni Lucy, pati sa ginagawa ko, gusto rin niya mag-excel. Ibang klase talaga, pangongolekta nalang ng love offering gusto niya siya parin ang pinakamagaling.

Ang usapan tig-iisang column ng church benches ang assignment. Mantakin mo ba naman gusto niya i-cover 2 columns sa isang misa? Nagpasadya siya ng lalagyanan ng offering na may hawakan sa magkabilang dulo para mabilis, pagpapasapasahan nalang kasi ito ng mga tao tas aabang nalang siya sa dulo. Di ba? Galing.

Ilang linggo ko ring hinintay ito. This time, na-assign na ako sa column ng church benches kung saan madalas naka-pwesto ang pamilya ni Robbie. Sa wakas. Hahaha. Ang saya ko.

Yun nga lang katabi ko sa assignment ngayon si perfect Lucy.

"Panginoon, tulungan mo akong maging bukas-palad...Nang magbigay nang ayon sa nararapat..."

Anak ng. Nasa unang verse palang ang offertory song na kinakanta ng choir, malapit na sa kalahati ang naabutan ng collection ni Lucy sa column assigned sa kanya.

Ako nagmamadali din mangolekta. Naku naman, nag-aaway pa yung dalawang bata kung sino ang magshushoot ng barya sa lalagyanan ko. Nagtantrums na yung isa.

"Pakibilis po, salamat," kinukulit ko ang mga hinihingian ko na medyo bilisan nila para makahabol ako sa bilis ni Lucy.

Hala, tapos na si Lucy sa column niya. Lumipat na siya sa column ko, galing sa likod, pinagpapasapasahan na ang lalagyanan niya papunta sa harap hanggang sa mag pang-abot ang mga koleksyon namin. Naka-beast mode sa pangongolekta ang babaita.

Tatlong church benches nalang kila Robbie na. Pakibilis po. Bakit naman kasi napatapat ako sa mga mabagal humugot. Yung iba paglapit ko saka palang kukuha ng barya, bubuksan ang bag, hahanapin pa ang pitaka. May lola pa sa dulo ang hindi maka-bend para maabot ang kanyang bag.
Watda. Waley na waley na.

Katabi [Completed] #Wattys2015 #TNTPanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon